Advertisers
Ni NICK NANGIT
KILALA na natin sina Darna, Panday, at Captain Barbell, pero kilala ninyo rin ba si Pedro Penduko?
Isa siyang superhero sa Pinoy comiks na nilikha ng Pambansang Alagad ng Sining natin sa larangan ng Panitikan na si Francisco V. Coching. Unang nilimbag ito sa magasin na Liwayway.
Sa marami na niyang paglabas, si Penduko ay isang pangkaraniwang tao lamang na walang superpowers. Kaya lang, mapamaraan siya at mabilis mag-isip sa tuwing lumalaban sa mga puwersa ng kasamaan.
May anting-anting din siya na kilala sa tawag na Mutya, ayon sa seryeng pang telebisyon. Una siyang pinakilala noong 1994 at 2000 na galing sa angkan ng mga maalamat na bayani, subali’t isa pala siyang duwag.
Sa pelikula, ang unang gumanap na Pedro Penduko ay si Efren Reyes Sr. na sinundan naman ni Ramon Zamora. May iba pang nagsiganap ng karakter na yan kalaunan.
Sa darating na Metro Manila Film Festival, may bagong ipakikilala sa atin na Penduko.
Ang karakter niya ay isang lalampa-lampang binata na lumaki sa Tate. Noong namatay ang kanyang ama, nagpasya siyang maglakbay papuntang Pilipinas upang hanapin ang kanyang ina. Yun nga lang, dito niya pala matutuklasan ang sumpa na gugunaw sa isang bayan.
Unang inialok ang papel na Penduko kay James Reid, kaya lang, dahil nagkaroon ito ng pinsala sa gulugod, sinalo ito ni Matteo Guidicelli.
Nakasama ko na sa isang event si Matteo, kung saan kumanta siya. Paborito nga raw niya ang mga standards, pero hindi pa ata niya nasubukan ang acoustic o live accompaniment ng piano. Siguro, kapag may nagyaya sa akin na tumugtog ng pangkasalukuyang musika na may sasabay na mang-aawit, payag naman daw siya. Kaabang-abang yan, dahil maganda ang boses niya.
Aries Horse si Matteo, kaya sakto lang ang magiging pagtanggap sa Penduko ng mga manonood pagdating ng Kapaskuhan.
Mabuti’t nag eensayo na siya ngayon para sa mga action scenes. Mukhang makakatunggali niya sa pelikula ang kilalang aktor na si Albert Martinez.
Medyo makikipagsapalaran lang siya dahil Ang Horse at Rabbit ay mga animal signs na, bagama’t hindi magkaaway ay hindi rin magkasundung-magkasundo. Tama lang ang kanilang ugnayan, kumbaga.
Kinakailangang galingan ng produksyon ang mga effects para bumongga ang Penduko sa takilya. Ang taong 2023 kasi ay hindi nakatuon sa sining kundi sa pagpapanatili ng kabuhayan.
We wish you the best, Matteo!
Sa ibang banda naman, magandang panoorin ninyo ang dalawang nakalipas na LIVE vlogs ng Nickstradamus Nickstradamus channel sa YouTube!
Yung isang vlog ay tungkol sa kapangyarihan ng mga kristal. Diyan ninyo malalaman ang basics ng mga kakaibang batong ito, at kung bakit nakatutulong ito sa ating pamumuhay, pagibig, at proteksyon.
Yung isa namang vlog ay tungkol sa iba’t ibang uri ng panggagamot gamit ang enerhiya. Diyan ninyo malalaman ang mga alternatibong paraan, gaya ng reiki, faith healing, atbp. na hindi galing sa medisina ng Kanluran.
Kakaiba ang huling vlog na ito dahil naging bisita natin ang isang nagmamay-ari ng manikang tila may laman. Kaya nga, tinatahulan ito ng aso lagi. Pinayuhan natin siya na mag ingat, lalo pa’t kahalintulad ng kanyang pagtanggap dito sa kuwento ni Annabelle.
Naalala ninyo pa ba yung manika sa Conjuring?
Hanggang dito na muna, Light Love and Life, Namaste!