Advertisers

Advertisers

Di pala si Lloydie…Bea nilinaw, si Dennis ang unang kalabtim

0 9

Advertisers

Ni MERCY LEJARDE

SA press skrining at mediacon ng newest TV series of GMA7 titled Love Before Sunrise ay di sinasadyang nagkalapit kami ng isa sa lead stars nito na si Matet de Leon na kamakailan lang ay kumalat sa social media na may sakit na Bipolar at belong na sa PWD.
How true Matet?
Ay, inamin na pala niya sa kanyang socmed account at ang kanyang naging statement ay….
“I have bipolar disorder. Hindi halata? Kaya pala pinagtitinginan ako kanina sa isang supermarket. Kinalabit pa ako ng isang babaeng yayamanin at pinapalipat ng lane. Hiyang hiya ako. Pati sa sarili ko.
“Pumila kasi ako sa PWD lane…wala akong kasunod na senior o may visible disability kaya nag-decide ako na doon na pumila kung saan ako dapat.”
Ang bipolar daw ay isang sakit na nakukuha sa depresyon at madaling uminit ang ulo kaya siguro nagka-initan sila noon ng kanyang Mommy Dearest na si Superstar Nora Aunor dahil lang sa pagtitinda pareho ng tuyo dito man at sa ibang bansa. Pero okay na sila noon pang 70th birthday ni Ate Guy last May 20, 2023.
At happy kami kay Matet dahil after a long time ay nabigyan din siya ng TV series project sa GMA7 na Love Before Sunrise nga ang title na isa sa mga kaibigan at katrabaho niya ay si Bea Alonzo.
Si Bea naman, tuwang-tuwa na si Dennis Trillo.ang napiling leading man niya sa Love Before Sunrise.
“I am beyond excited to embark on this journey with the Mr. Dennis Trillo who is a very talented actor and whom I’ve always admired.
“Ito yung balikan namin sa pagsasama dati na kaming magkasama noon sa ABS-CBN.
“Trivia lang, dati siya ‘yung unang-una kong love team. Ito ‘yung reunion namin so this is very special and of course, it is such a beautiful material. I have been waiting for this,” masayang kuwento ni Bea sa GMA, na umaming nabasa na raw niya ang script at namangha talaga siya. Kung sabagay may chemistry naman sila sa mga love scenes nila sa Love Before Sunrise in pernes.