Advertisers

Advertisers

Dahil sa BSKE… ‘Kalinga sa Maynila’, hinto muna – Mayor Honey

0 13

Advertisers

SUSPENDIDO muna ang “Kalinga sa Maynila” at ito ay ibabalik sa November. Ang fora na inorganisa ng pamahalaang lungsod ng Maynila ay ginagawa ng isa hanggang dalawang beses isang linggo sa mga barangay sa kabisera ng bansa.

Ito ang inanunsyo ni Mayor Honey Lacuna, na nagsabing ang suspensyon ng ‘Kalinga’ ay dahil sa nakatakdang Barangay and Sangguniang Kabataan elections na nagbabawal sa pagsasagawa ng ilang gawain kung saan kabilang ang forum.

Ayon kay Lacuna, ang ‘Kalinga’ ay pansamantalang ihihinto simula September 15 hanggang sa matapos ang BSKE



Dahil ang halalan ay nakatakda sa October 30, ang city-organized fora na na ginagawa sa mga barangay ay ibababalik sa November.

“Pasensiya na po, ibabalik natin ang ‘Kalinga sa Maynila’ pagdating ng Nobyembre kapag tapos na ang eleksyon. Mami-miss din po namin ang aming paghahatid ng serbisyong diretso sa tao,” saad ni Lacuna.

Ang ‘Kalinga’ ay ginagawa sa bawat barangay kung saan ang mga pangunahin at esensyal na serbisyo ng Manila City Hall ay hinahatid mismo ng diretso sa mga tao.

Mayroong open forum ang ‘Kalinga’ kung saan ang mga residente ay maaaring ilahad ang kanilang mga saloobin, katanungan, suhestyon nang direkta sa kaalaman ng alkalde.

“Ang ugnayan ay ating isinasagawa sa ating mga nasasakupan kung saan maaring magbigay ng suhestiyon, saloobin, mga tanong, galit,” ayon sa alkalde.



Idinagdag pa nito na ang mga residente ay maaring lumapit at manghingi ng tulong sa mga desks na inilagay sa paligid ng ‘Kalinga’ para sa kanilang mga personal na pangangailangan. (ANDI GARCIA)