Advertisers
PINALAKAS ng Boston Celtics ang kanilang depensa matapos papirmahin ang Free-agent forward na si Lamar Stevens.
Nag-average ang 3-year veteran na si Stevens ng 5.3 puntos at 3.3 rebounds, sa kabuuang 62 na laro noong nakaraang season para sa Cavaliers.
Samantala, bago pa pumirma ang 3-year veteran sa Celtics ay interesado din sa kanya ang koponan ng Timberwolves, Rockets at Heat kung saan nangangailangan din ng defensive wing man.
Makakasama ng six-foot-six forward sa koponan ng Boston sina Jayson Tatum, Al Horford ang bagong dagdag sa team na si Kristaps Porzingis.