Advertisers
SINIMULAN ng National University ang pegdepensa sa kanilang titulo sa pamamagitan ng nakakabighaning panalo sa FilOil Centre sa San Juan City.
Ginapi ng Lady Bulldogs ang University of the East, 25-15,25-19,25-15, para sa matagumpay na simula ng kanilang kampanya sa SSL Collegiate Pre-Season Championship Season 2.
Evangeline Alinsug at incoming rookie Arah Ellah Panique nag-ambag ng tig-11 puntos sa panalo.
Ang National University ay mayroon ng 1-0 rekord sa Pool A.
Reigning SSL MVP Alyssa Solomon at skipper Erin Pangilinan may eight at seven points, ayon sa pagkakasunod,habang si Bella Belen nagdagdag ng 5 puntos. Ang Lady Bulldogs ay nangailangan lang ng 71 minuto para tapusin ang UE.
Ang UE na inumpisahan ang kanilang kampanya sa 25-14,25-21 25-19 laban sa Jose Rizal University, ay nalaglag sa 1-1 sa Pool A.