Advertisers

Advertisers

REKLAMO NG AFICIONADO TOP BRASS

0 7

Advertisers

ISANG ka-uppercut ang nagpadala ng impormasyon sa ating korner hinggil sa aniya’y negatibong gawain sa kapwa kung mapatutunayan. -Dumulog kamakailan sa proper authority ang businessman na may-ari ng tanyag na Aficionado Perfume na si G. Joel Cruz kasama ng kanyang abogado para paimbestigahan ang grupo na nag-alok sa kanyang sumali sa Paris Fashion Week kapalit ng apat na milyong piso.

Nagtungo aniya si G.Cruz at legal counsel nito para maghain ng reklamo laban sa isang International Production Corporation, na kinabibilangan ng Pangulong isang G. De Jesus, at shareholders na mga Ms. Garcia, G.Andrada, G. Plata, Ms. Agasen et al.

Pinangakuan di umano ng grupo na lalahok sa prestisyosong Paris Fashion Week ang businessman kasama ng kanyang walong anak kapalit ng pagbabayad nito ng naturang halaga.



Matapos maibigay ang pera, dalawang beses na kinansela ng grupo ang Paris Fashion Week Show ni Albert Andrada – una noong Enero 2023 at ang pinakahuling pag-kansela ay habang nasa Paris na si G. Cruz at ang kanyang mga anak, ilang araw bago ang schedule ng diumanong Fashion Show noong July 2023. Ibinahagi din ni G.Cruz na ginawa lang ang korporasyong lumapit sa kanya para lamang sa layuning mag-solicit ng pera sa publiko gamit ang “Paris Fashion Week”.

Layunin aniya ni G.Cruz na mapanagot ang grupo dahil hindi lamang siya ang na-biktima kundi marami pang mga tao ang naghatag ng salapi para sa naturang naunsyameng Fashion Show.

Dapat ay agarang maresolba ito upang makamit ang hustisya laban sa mga mapagsamantala. Sa panahon ngayon ,di lang mga pobre ang nawawantutri, pati high end sa negosyo eh nagogoyo kapag napatunayan ay sa hoyo ang hantungan…

Ibalik na lang ang milyong pisong pinaghirapan ng Aficiinado bossing or the show must go on at para bumango naman ang inyong pangalan ….

ABANGAN!



Open ang korner na ito na iparating ang tungkol sa panig ninuman.

Lowcut: Special shoutout sa ating mga kakorner at ka-SPORTS na sina Atty.Wowie Posadas at Ate Aida( Dancing Queen) Posadas.Sila lang naman ang ang mga bossing ng dinarayong 19 EAST BAR & ENTERTAINMENT sa Sucat,Paranaque,Metro Manila di ba Kuya Franck Carreon.YEOWN!