Advertisers
AABOT sa P32 bilyon halaga ng smuggled goods, kabilang ang agricultural products ang nakumpiska ng Bureau of Customs mula Enero hanggang Setyembre.
Ayon kay Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) Director Verne Enciso, naharang ng ahensya ang mga illegal na kargamento na nagkakahalaga ng P31.5 bilyon, hanggang noong Setyembre 15.
Sinabi ni Enciso na ang mga nasamsam na produkto ang pinakamalaking naitala ng BOC.
Karamihan sa mga nakumpiska ay counterfeit items katulad ng sapatos, bag at mga damit.
Umabot naman sa P3.3 bilyon ang halaga ng smuggled agricultural products
Maliban sa mga pekeng produkto at agricultural products, kabilang din sa listahan ng mga nasamsam ay sigarilyo at illegal na droga.
Nasa kabuuang 236,571 sako ng bigas naman ang inisyuhan ng Warrant of Seizure and Detention sa ilang warehouse sa Luzon.
Ipinaliwanag niya na ang mga may-ari ng naturang mga warehouse ay binigyan ng oras para magpasa ng kaukulang dokumento katulad ng proof of payment ng duties at taxes, na magpapatunay na legal ang importasyon ng bigas.