Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
PINALAGAN ni Sunshine Dizon ang isang netizen na pinagkumpara sila ni Pinky Amador sa social media application na X (dating Twitter).
Post ng naturang netizen, “Mas sikat na si Pinky Amador over Sunshine Dizon. Bwahahahaha. Mas pinag-uusapan ang karakter (sa lahat ng platforms) ng una kesa sa huli. Poor Shine, nalaos na talaga siya nu`ng nag-try siya sa Ignacio (Kapamilya Network). Bwahahahaha!”
Kahit na hindi siya itinag ng netizen sa nasabing post ay kaagad na nakarating ito kay Sunshine na hindi na nagpatumpik-tumpik sagutin ang nasabing basher
Hirit ni Sunshine, “I`m happy for Tita Pinky. Why are you wasting your time on me? Di ba nga laos na ako, sabi mo. Not everyone in this business is after fame, dear, may taong tulad ko na wala nang gustong patunayan. Masaya na ako that I`m able to create beautiful stories.”
Pero hindi naman minasama ni Shine ang pagtawag sa kanya ng netizen na laos dahil ipinamalas lang niya ang kanyang pagiging professional sa pagsagot at pagpapaliwanag. Pero kaagad naman itong kinontra ng naturang netizen.
“Cut the crap about, “not into fame.” dahil sa kalagayan ng entertainment industry, only simpletons will believe the reasoning. Bwahahaha!
“You need fame to be relevant. Kaya nga the problem is nilalaos ka rin diyan sa ABS CBN. Bwahahaha! Di ka nila ma-hype kasi wala kang love team. Bwahaha! “ banat ng netizen.
Buwelta naman ni Sunshine, hindi na niya kailangan i-hype pa dahil 40 years old na siya at hindi na niya kailangan ng ka love team.
Sabi ni Sunshine, “Hindi ko kailangan ma-hype, kuwarenta na ako. Hahahaha! I`m just blessed with good genes and walang retoke ang face ko, kaya I look young. Dagdagan mo pa ng prayers para ma-post mo real face at name mo, baka sakali magkalakas ka ng loob bago mam-bash.
“And your`re forgetting, I`m already 40, why would I need a love team? Ano `to? Nagsusumiksteen (16), hahaha! `Kaloka.”
“Walang age limit ang love team sa ABS CBN. Madam. Bwahahaha! It`s in their history. Bwahaha.” banat pa ng netizen.
Pero hindi pa nakuntento ang basher dahil ibinato kay Sunshine ang kinasangkutan nitong legal case last March dahil sa umano’y investment deal na may kinalaman sa `online sabong` business.
“Jusko, Madam, di ka lang laos. Kung ano-anong kaso na rin pala ang naisampa laban sa `yo? Napariwara ka yata simula nu`ng lumipat ka? Why naman? Musta ang kaso?” say ng netizen.
Binalaan naman ni Sunshine ang netizen na mag-ingat sa mga binibitawang salita dahil hindi raw nito alam ang buong istorya.
“Be careful, you don`t know the whole story. Baka madamay ka sa mga bagay na hindi mo gugustuhin. Tsaka pakilala ka ng tama, `wag sombrero lang, para namang duwag `pag ganyan,” aniya.
Para hindi na humaba ay tinapos na ni Sunshine at nagbigay ng kanyang mensahe.
“Stop giving me your time and attention, dear, you`re making me relevant, baka sumikat ako. Hahaha! Salamat ka, bored ako! Baklang `toh!”
***
Sharon wish na maging totoong friends na sila ni Gabby
HINDI lang si KC Concepcion ang nagwi-wish na maging magkaibigan na ang mga magulang na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion after ng kanilang concert.
Wish din ng Megastar na maging magkaibigan na sila ng ex-husband na si Gabby alang-alang sa nag-iisang anak nila na si KC.
Sa isang interview ay nahilingan si Sharon na magbigay ng mensahe para kay Gabby sa pamamagitan ng letter.
“Dear Gabby, thank you for the good times, thank you for KC. I hope we can be friends for the sake of our daughter also.”
“Because you were my co-producer in creating KC, so we need to work together to help her become a better person,” dagdag pa niya.
At inulit niya na sana raw ay maging magkaibigan sila ni Gabby, not just showbiz friends kundi totoong magkaibigan.
“I mean, real friends, not just showbiz-showbiz na…di ba? Wala namang reason not to,” aniya.
Hirit na biro mensahe niya kay Gabby, “At huwag ka na ma-develop sa `kin. Alam ko, mahirap pero kaya mo.”
Nabanggit din ni Sharon na akala niya ay okey na sila ni Gabby noong magkita sila sa Gabay-Guro event noong 2019.
“Okey na kami nu`ng Gabay-Guro, eh. After that, parang …`Ano na kayang nangyari, bakit cold na naman siya? `Ano na naman ang nangyari ? Ano ng ginawa ko? Yung ganu`n,” say ni Sharon.
Pero kung napanood ninyo ang pagkikita ng dalawa na nailabas sa YouTube ay parang walang nangyaring tampuhan dahil sobrang sweet ni Gabby kay Sharon. Nandoong nag-request pa ito ng kiss bago umalis na pinagbigyan naman ni Sharon.