Advertisers

Advertisers

Donny Dream Come True Ang Movie Na “GG” With Mom Maricel; Mystica Napagsasabay Ang Show At Work Sa Vegas

0 11

Advertisers

Ni PETER S. LEDESMA

TIYAK na maiibigan ng mga GEN-Z na hobby ang maglaro ng video games sa handog na pelikula ng MEDIAWORKS, CIGNAL ENTERTAINMENT at CREATE CINEMA na “GG (Good Game).”
Ito kasi ang kauna-unahang esports-themed movie sa Pilipinas. At pangunahing bida rito si Donny Pangilinan at real Mom na si Maricel Laxa na isang multi-awarded actress at ang mga kapwa e-gamers sa movie ni Donny na sina Igiboy Flores, Johannes Rissler, Gold Azeron at Kaleb Ong.
Katuparan pala ng pangarap ni Donny na makasama sa isang project ang kanyang Mommy Maricel. Ito ang kanyang nasambit during the mediacon of their movie held at Trinoma Cinema 5. “Sobrang dream come true ito para sa akin to be honest. Eversince na pumasok ako sa showbiz, isang pangarap ko talaga is to have a project with my mom.
“And when we read the script, when we were given the idea of just portraying a mother and a son in this way, this manner na makasama ko ang isang Maricel Laxa. So yun lang ang masasabi ko. It will be something, I’m sure we will look back on as the years go by, as a movie we will probably never forget for sure. Sa tanong naman kung paano napapayag ang kanyang Mommy na gawin ang movie nila together, ito ang naging tugon ni Donny, “It went through a whole process of looking at the script, looking at the material. Hindi rin naman gagawa si mommy, ng project na she doesn’t believe in, especially this (GG).”
Lider ng mga kapwa niya gamers si Donny as Seth at iniba ang looks niya rito na may kulay ang hair na lalong nagpatingkad ng kanyang kagwapuhan. At para naman kay Maricel natatawa ito habang sinasabing ang pamilya ang nagpabalik sa kanya sa showbiz. Pero on a serious side, ipinagmamalaki ni Maricel ang magandang plot ng kanilang movie na iikot sa grupo ng mga e-gamers na kinabibilangan nga ni Donny. At ayon pa kay Maricel, once mapanood ang movie nilang ito na nakatakdang i-submit for MMFF 2023 at malapit nang matapos ang editing ng said film.
Siguradong mababawasan na ang judgement ng mga tao lalo na ng mga parents sa mga anak nilang mahihilig sa video games. May kanya-kanyang reason daw ang mga ito, ang importante o mahalaga ay magkaroon ng komunikasyon. Tama nga naman. At para mas lalong lumabas na makatotohanan ang mga eksena sa pelikula ay nakipag-collaborate pa ang producers at director ng GG na si Direk Prime Cruz sa esports company na Metasports. Nagpapasalamat ang mga ito at naging very supportive ito sa kanila. Samantala, si Baron Geisler na parte rin ng pelikula ay personal choice ni Donny dahil bilib ang gwapong aktor sa husay niya.
Kwento pa ni Baron, “Kinontak po ako ng Mediaworks (owned by Donny and parents Maricel and Anthony Pangilinan) nagpapasalamat po ako sa bosses natin.
“Sabi nila, this is tailor-made for you, Baron, it’s a quirky character.” Maraming natutunan actually si Baron sa mag-asawang Maricel at Anthony. They guided him throughout the film and outside as well. And he is eternally grateful to him.
Also Hannah Pangilinan na Creative Producer nila. Minsan daw ito ang nagtuturo kung paano niya aatakehin ang karakter niya bilang si Coach Kurt, na optimistic gaming coach ng “Tokwa’t Bad Bois.”
Kaya sa nasabing presscon ay pinasalamatan ni Baron si Hannah na daughter nina Maricel at Anthony. At bilang isa sa producer at support sa kanyang anak na si Donny ay present sa event si Sir Anthony na galante sa mga pa-giveaways niya sa entertainment press and vloggers. Ang saya ng naturang mediacon
na nagpa-buffet pa sa mga invited press sa Cabalen Resto sa Trinoma.
***
TULUY-tuloy ang pag-asenso sa Las Vegas ng multi-talented singer at well-educated na si Mystica. Yes, napaka-indemand nito sa nasabing bansa at kayang-kayang pagsabayin ni Mystica ang magagandang trabaho at pagco-concert sa kilalang mga venue sa Vegas. She’s working at Market ST Cafe in California Hotel as a supervisor. Big asset siya rito lalo’t maraming Pinoy ang nakakakilala sa tinaguriang “Rock Diva of the Philippines” at “Split Queen,” na tanging siya lang ang may hawak. Another job, she is the Talent Director of the Studio Group in Las Vegas, USA. Ito ay ang PRESTIGIOUS ACTING STUDIO, na located sa iba’t ibang branch nito sa Las Vegas, Los Angeles, California, Michigan at New Jersey. Prestigious acting is the next generation of Film and Television stars. Break into Hollywood with the people who know the back doors…Learn how to book that job by the real casting directors! Learn the techniques and get an audition in-front of real acting agents.
In fairness, dahil kilala nga si Mystica, marami silang enrolees. Well compensated dito si Mystica, yes malaki ang kanyang sweldo. Para naman sa kanyang singing career, humahataw rin si Mystica sa mga gigs at madalas maimbitahan sa iba’t ibang events. Iba talaga kapag may talento at may hatak sa crowd, hindi ka mawawalan ng raket gaya ni Mystica na lalo pang gumanda at sumeksi!