Advertisers
Tila dumating na sa sukdulan ang pagtitiis at pasensiya ng mga residente ng San Isidro, Antipolo City.
Puno na ang salop ika nga.
Walang kabusugan sa lengguwaheng kalye para sa pamilya Salen na may mahigit 33 taon nang nagkakapit- tuko sa posisyon bilang Kupitan este Kapitan pala ng nasabing barangay.
Ang “turning point” na kaganapan ay nang kapwa magfile ng kani- kanilang COCs ang maybahay at anak ni outgoing Barangay San Isidro Kapitan Jojo Salen sa Comelec sa posisyon bilang punong barangay na papalit sa puwesto ni Kap Jojo Salen.
Sobrang garapal naman ang diskarteng ito ng mga Salen dyan sa San Isidro, Antipolo City.
Matinding pagkagahaman sa kapangyarihan na patuloy na pagharian ang barangay San Isidro na may Php 80M Internal Revenue Allotment (IRA) at 36,000 registered voters.
Ano ang tingin ng mga Salen sa mga taga-Isidro,Antipolo City?
Mga bobotante?
Na kayang paikutin at paglalangan?
Basa na ang pangalan ng mga Salen sa San Isidro lalo na noong kapanahunan ng pandemya kung saan naging “selective” ang ginawang pagtulong ni Kap Jojo Salen sa kanyang mga nangangailangan mga kabarangay.
Kung di umano kaalyado o kilalang supporters ni Kap Jojo,nganga at tiyak na puputi ang mata sa kakahintay sa wala.
Sa personal nating pananaw,bulok na diskarte at garapalan talaga ang kapwa pagtakbo ng mag inang Gloria at Angelo Kyle Salen para humalili sa asawa at tatay na si Kap Jojo Salen.
Isa itong kakapalan ng face to the max.
Obsession sa puwestong ang akala ng mga Salen ay personal nilang pagaari at wala ng sino mang puwedeng umangkin.
Di po nakatitulo sa pamilya Salen ang pamumuno sa Barangay San Isidro.
Isang dynasty na ang nakapangyari sa San Isidro,Antipolo ng mahabang panahon na nagpapatutoo sa kalagayan ng nasabing pamayanan kung saan naging stagnant o sadyang bumagal ang pag-unlad at pag- asenso ng nasabing lugar.
Naghahanap na po ng tunay na pagbabago sa liderato ng Barangay San Isidro ang mga residente nito.
Isa pinunong magaling,matalino,maka- Diyos at maka- mahirap na laang maglingkod sa lahat ng walang baias at kinikilingan.
Isang paglilingkurang tapat at patas para sa lahat!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com