Advertisers
HINDI bibitaw ang FINIS Philippines sa hangarin na maisulong ang kaunlaran ng swimming sa grassroots level at mabigyan ang mga atleta at coach ng tama at dekalidad na programa.
Iginiit ni Vince Garcia, FINIS Philippines Managing Director, na patuloy ang kumpanya sa pagsuporta sa swimming development, gayundin ang pag-oorganisa ng mga event at coaches training para masiguro na mapatibay ang pundasyon ng kaalaman at galing na maituturing international standard.
“We’re in the right direction as far as the company’s commitment to the development of swimming, providing an international-level environment of competition, while helping our local coaches receive a high-level education which they can use to strengthen their coaching career,” said Garcia, an active triathlete and coach/manager of Para triathlete team
Matapos ang matagumpay na Luzon at Visayas leg na ginanap sa New Clark City sa Tarlac at Iloilo City, ayon sa pagkakasunod-sunod, inihayag ni Garcia na sa wakas pagkatapos ng masinsin na paghahanda, ilalarga na ang Mindanao leg – ang huli sa tatlong-serye ng FINIS National Long Course Swimming Championship – ngayong weekend (Sept. 30 to Oct. 1) sa Digos City, Davao del Sur.
“It’s all system go. After discussing the program of activities with other local organizers, nakakuha na tayo ng scheduled for the Mindanao leg. Then, see you all for the National Finals in Tarlac,” sambit ni Garcia.
Ang National Finals ay nakatakda sa Oktubre 21-22 sa New Clark City sa Capas.
Ang mga interesadong eskwelahan, club, at grupo ay maaaring magpadala ng kanilang entry form at makuha ang info kits sa entry events@finis.ph, leigh_sanchez07@yahoo.com, renolddutchilla_1877@yahoo.com.ph. Maaari ring i-download ang mga info kits sa https://drive.google.com/…/1UfHkUZfxTqdP2_KXu6Jvo_Vz, habang ang Info kits para sa National Finals ay inihahanda nang mailabas. Para sa iba pang mga katanungan, tumawag o magpadala ng mensahe sa 0917-7986586.
Sinabi rin ni Garcia na sinimulan na rin ng FINIS ang kanilang ASCA (American Swim Coaches Assn) Swim coaching certifications para sa Levels 1&2 nitong Setyembre 16-17 sa Quezon City.