Advertisers
Ni BETH GELENA
“ANYARE?” Ani DJ Chacha nang makita niyang ang daming unknown transactions sa kanyang credit card.
Nawindang siya at na-shock na 60-plus unknown transactions ang pumasok sa kanyang credit card.
Ang nakakaloka pa raw ayon sa radio personality, ang karamihan sa transactions ay nagmula pa sa iba’t ibang bansa.
Kinol-out niya ang attention ng bangko na nag-issue sa kanya ng credit card.
Nakisimpatiya naman ang listeners ni DJ ChaCha dahil maging ang iba raw sa mga ito ay na’-experience ang nangyari sa kanya.
Post ng DJ sa kanyang X account, “I have fought and won battles worse than this”
“Sarap ng tulog mo tapos paggising mo 60 plus unknown transactions sa ibang bansa sa credit card mo. #BDO Nyare?”
Komento naman ng netizens:
“Omg anyare.”
“We find ways… Liars and Clowns”
“Ay nakakatakot naman BDO. Kahit di na ako maka-50% off sa Bistro group, ayaw ko na sa kanya.”
***
HALOS mag-iisang buwan na rin sila Angelica Panganiban kasama ang kanyang mag-ama sa Sydney, Australia.
Pinakilala ni Gregg Homan si Angelica sa kanyang buong pamilya
Sa nasabing bansa ang kinalakhan ng fiance ni Angge.
Big family pala ang mga Homan.
Sa bawat tour nila ay laging kasama nina Gregg ang kanyang mga kapatid mga pinsan.
Nag-eenjoy naman ang aktres na makasama sa bonding moments ang Homann family.
Aba, maging ang anak nilang si Amila Sabine ay kasundung-kasundo ang mga cute na pinsan.
At hindi nalalayo ang kanyang looks sa mga bagets dahil blonde rin ang hair ng mga ito tulad niya.
Kaya pala may pinagmanahan si Baby Bean.
Sa Australia na rin inabot ng birthday si Gregg kung saan ang gift ni Angge ay Lego.
Maging si Amila ay doon na rin nag-celebrate ng kanyang one year old birthday.
Masaya ang buong Homan family.
Si Angge na nang sumakay ng bus ay panay ang alalay ni Gregg dahil hindi raw sanay mag-bus ang fiance.
Wala namang angal ang aktres kahit mag’walk to the max sila sa kainitan ng araw at maging nang manood sila ng football habang si Baby Bean ay prente lang na dumedede at natulog.
Naaliw ako sa sinabi ni Gregg nang nakatapis lang ng white towel si Angge dahil magsho-shower ito.
Ani Gregg; “Mommy ang sexy mo naman,” na ikinangiti ng aktres.
Naku, Angge baka masundan na ninyo si Amila, ha?
***
SANA MAHANAP NI ANDREA ANG LALAKING MAKAKAPAGPASAYA SA KANYA — SETH
SA isang panayam ay nakunan ng reaksyon si Seth Fedelin kung ano ang naramdaman niya nang maiulat ang controversial breakup nina Andrea Brillantes at Ricci Rivero.
Sey ng young actor, hindi raw niya alam ang buong kuwento “so di ako magsasalita nang tapos.”
“Hindi ako nalungkot. It’s more on siguro sumagi lang sa isip ko na, lalo na nung nakita ko sa social media kung ano ba ang nangyari talaga, ‘Bakit ganito?'”
Ipinagdarasal ni Seth na, “Sana mahanap niya talaga ang lalake na magpapasaya sa kanya.”
Tinanong din ang young aktor kung naisip ba niyang tawagan o kumustahin si Andrea nang mabalitaan niya ang tungkol sa breakup ng ex sa basketballl player.
Ang sagot niya, “Para sa akin kasi, rule ko kasi yun, may rule ako sa sarili ko bilang lalake na di ko kinakain ang salita ko.
“Hindi ko siya minessage. Pero one time, nung nagkasalubong kami sa parang premiere, Unbreak My Heart yata yun, nagbatian kami.
“Sabi ko, ‘Kumusta ka na? Sana okay ka.’ Magkasama sila ni Kyle (Echarri) nun.
“Pag nagkakatagpo kami sa ABS, close pa rin naman kami.”
Nanumbalik ang pagiging malapit ni Andrea sa kaibigang si Kyle nang magkatrabaho sila sa seryeng Senior High.
Nang tanungin si Seth tungkol sa dalawa sinabi niyang aware siya sa pagiging close nina Kyle at Andrea.
“Actually, di naman nawala, magkaibigan naman talaga [sila], kaming apat magkakaibigan.
“Pero siyempre, wala namang perpekto, walang smooth lagi kasi lumalaki kami.”
Patuloy niya: “Kami ni Francine, katatapos lang naming mag-Fractured. Sila Kyle and Blythe ngayon, ongoing ang Senior High.
“Dati nagsimula kami sa Gold Squad, ngayon kahit papaano may blessings kami natatanggap.
“Happy ako na si Kyle, iba ang naka-partner ni Blythe. Mas better pag silang dalawa ” pagtatapos ni Seth.