Advertisers

Advertisers

Malakanyang suportado ang sisimulang imbestigasyon ng DOJ sa mga ahensya ng gobyerno na notoryus sa kurapsyon

0 221

Advertisers

Suportado ng Malakanyang ang desisyon ng Department of Justice (DOJ) na simulan na ang imbestigasyon sa mga ahensya ng gobyerno na talamak ang kurapsyon. 

Ito ang ginawang pahayag ni presidential spokesperson Atty. Harry Roque. 



Ikinasiya aniya ng Malakanyang ang ginawang pagpili ng DOJ sa Bureau of Customs, BIR,  Land Registration Authority at DPWH upang maisalang sa imbestigasyon ng binuong expanded task force on corruption.

Snabi pa ni Roque, ang dahilan aniya kung bakit ipinag-utos ni Pangulong Duterte ang malawakang imbestigasyon sa mga naturang tanggapan ng gobyerno ay dahil sa naging kalakaran na ang sistema ng kurapsyon sa mga ahensiyang ito. (Vanz Fernandez)