Advertisers
TINAMBAKAN ng Filipina cagebelles ang Kazakhstan ,83-59 sa kanilang kauna-unahang laro sa kasaysayan ng quadrennial meet, Miyerkules ng gabi sa Shaoxing Olympic Sports Centre gymnasium.
Nagpasabog si Janine Pontejos ng 21 points,Ana castillo 15, at veteran Afril Bernardino nagdagadg ng 11 sa nakakabighaning tagumpay.
Hindi pinaiskor ng Gilas ang kazakhs,23-9,sa ikalawang yugto sa likuran ni Pontejos,Jack Animan,Bernardino, at Stefanie Berberabe na ang Gilas ay nakaupo sa 40-26 lead sa break.
Bago ang offensive spark, ang kontest ay tabla sa 17-all matapos ag first quarter.
Ang Gilas ay babalik sa court Biyernes kontra HongKong, na pinulbos ng world power japan,118-46, sa Group B .