Advertisers

Advertisers

Mommy Pinty Very Proud Mom Kina Toni At Alex ; Atty. Maggie Super Ganda Magdala Ng Gown, Hinangaan Sa Pagrampa

0 18

Advertisers

Ni PETER S. LEDESMA

SA latest post sa kanyang IG Account ay parehong binati ni Mommy Pinty Gonzaga ng Happy Daughter’s Day sina Toni Gonzaga-Soriano at Alex Gonzaga-Moraida. At super proud si Mommy Pinty sa mga daughter na kapwa may malaking achievements sa kanilang showbiz careers and personal life.
Narito ang mahabang caption ni Mommy Pinty na tulad nina Alex at Toni ay kilala na ring vlogger sa Youtube Channel nila ng husband (Daddy Carlito) na BOPIN o BONOY & PINTY CHANNEL na nasa 1.61 million na ang subscribers. “Happy Daughters Day to our precious Celestine (Toni) and Catherine (Alex). Both of you have been our pride, joy and sunshine of our lives. Your dad and I are so grateful for having a loving, caring, generous, respectful, thoughtful, hardworking and most of all a God-fearing daughters=OPlease don’t ever change because your love is our treasures that is beyond measures! We love you and your family always=Od’í“h-”.”
Kabuuang caption ni Mommy Pinty para iparating sa mga anak kung gaano nila ito kamahal ni Daddy Carlito. By 2024 na pala tatanggap ng project si Toni na kasisilang lang ng kanilang Baby Polly ni Direk Paul Soriano na ang kumpletong pangalan ay Paulina Celestine G. Soriano. Samantalang si Alex ay vlog lang muna at endorsements at priority talaga nito ang mabuntis ngayong taon. Posibleng magkaroon ng good news mula kina Alex at mister na si Lipa Councilor Mikee Morada.
***
KUNG may glam team si Heart Evangelista and other famous celebrities, ang kilalang celebrity lawyer at ramp model na si Atty. Maggie Abraham-Garduque ay may maaasahang mga kaibigan din na considered as her glam team dahil ang mga ito ang madalas mag-ayos sa kanya at gumawa ng pang celebrity look na gowns na sinusuot nito sa iba’t ibang events.
Ang mga tinutukoy natin na mga very supportive kay Atty. Maggie ay ang kaibigang make-up artist at hairstylist na si Yoisè Galit Miranda at si Al Banzon naman ang nagsisilbi nitong couturier sa gowns. By the way, recently lang ay rumampa sa red carpet ang kaibigan naming abogada at nagsilbi siyang isa sa mga judge sa matagumpay na “NOBLE QUEEN” held in Acacia Hotel, Manila. Pagdating naman sa pagiging bigating lawyer ay busy si Atty. Maggie sa pag-attend sa kaliwa’t kanang hearing ng marami niyang kliyente.
Managing partner siya ng ABRAHAM PIMENTEL & ACUNA LAW OFFICE. Si Atty. Maggie ang number na tagapagtanggol ng Eat Bulaga ng mga Jalosjos.
***
AFTER ng European trip ni Ma’am Maribel Aunor at ng mga daughter/bebe na sina Marion at Ashley a.k.a Cool Cat Ash, nasa Japan naman ngayon ang mag-iina at may ilang business meeting sa nasabing bansa si Ma’am Maribel na caption niya sa kanyang IG, “My 4 days and 3 nights business trip to Japan. I will comeback again with the kiddos.”
Kilala si Ma’am Maribel ng mga negosyanteng Hapon at iba pang bansa dahil sa kanyang Manpower Agency na Golden Legacy Jobmovers Corporation na located sa Unit 102 & 701 Ermita Center 1350 Roxas Blvd, Ermita, Manila. May realty business ang sumikat na singer-actress noong dekada 70 at 80.
***
Pinay Philanthropist Sa US Lovely Zendy Chavez, Inspirasyon Ang Kanyang Mama Puring
RAGS to riches ang kuwento ng buhay ng Pinay philanthropist sa Amerika na si Ms. Lovely Zendy Chavez. Kinabog pa si Gretchen Barretto sa kanyang mga Ayuda Box na almost 300 boxes na ang naipadala niya sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Tapos may ipinamimigay rin si Ms. Lovely na libreng school supplies na going to 4th batch na.
Kabilang din sa charity works nito ay ang kanyang feeding program. Nagsisilbing inspirasyon ng nasabing pilantropo (Lovely Zendy) ang kanyang butihing ina na si Puring Chavez, na nasa heaven na. Ang Mama Puring niya ang kasama niya noon sa Zapote Market sa Bacoor, Cavite. May pinatatakbo silang sari-sari store. Kaya kung ano man ang narating ni Ms. Lovely sa buhay ay pinasasalamatan niya ang kanyang Mama Puring na pinalaki siyang may takot at pananalig sa Diyos, may respeto sa kanyang mga magulang at sa kapwa.
Mapupuri talaga ang kabaitan at kabutihan sa puso ni Ms. Lovely Zendy. Samantala, bilang kilalang “QUEEN OF HEARTS NG AMERICA,” sikat na sa lahat ng mga kababayan ni Ma’am Lovely ang kanyang BONGABELZ lalo na sa kanyang mababait at very supportive na sponsors. Ang ibig sabihin daw ng Bongabelz, may strong belief kay GOD, Nagmamahal, Rumespeto at Pinahahalagaan ang mga Magulang, Tumutulong Sa Kapwa ng walang inaasahang Kapalit. At hindi Nag-iisip ng Mali sa kahit kanino, Always Positive Vibes lang.
Nakatakdang mag-perform nang live si Ms. Lovely sa harapan ng marami nating kababayan pati na ng mga foreigner supporters next year, January 20, 2024. Ang titulo ng kanyang fund-raising event ay “The Night To Remember” kung saan magmumula sa Florida at 50 States ang kanyang mga imbitado. Tiyak na maraming kababayan na naman natin sa Pilipinas ang makikinabang sa proyektong ito mula sa itinuturing nilang hulog ng langit na si Ma’am Lovely Zendy. Spread love, yan ang gustong ipahatid ng sikat na social media personality sa US.