Advertisers
IPINAKULONG ng kanilang mga guardian ang tatlong menor de edad sa pag-iingat ng pinatuyong dahon ng marijuana sa Carmona City, Cavite, Huwebes ng hapon.
Nasa kustodiya na ng Carmona City Welfare Development (CSWD) ang mga menor de edad na nasa 14 at 16 anyos.
Natuklasan ng magulang ng 14-anyos ang pag-iingat nila ng anim na piraso na plastic sachet na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana.
Dahil dito, binitbit ng ama ang kanyang anak at dalawang kasamahan nito, dinala sa Carmona City Police Station at in-turn over sa CSWD, Miyerkoles ng hapon.
Ayon sa ama ng bata, ayaw niyang tuluyang mapariwara sa droga ang anak kaya tinuruan na niya agad ng leksyon.