Advertisers

Advertisers

Bebot nalason-patay sa adobong palaka

0 9

Advertisers

NASAWI ang isang babae nang gawing adobo at kainin ang nahuling palaka sa Makilala, Cotabato.

Sa ulat, bukod sa biktima na si Marilyn Degemente, pinulutan din ng iba niyang kaanak ang palaka.

Ayon sa pamilya ng biktima, nakahuli si Marilyn ng palaka sa ilog at niluto at kinain ang atay nito.



Namanhid ang bibig, sumakit ang tiyan at sumuka ang biktima. Dinala siya sa ospital pero pumanaw din kinalaunan.

Ayon sa duktor, may likido sa bahagi ng katawan ng palaka na nagtataglay ng lason.

Inoobserbahan naman ang kalagayan ng mga kaanak ng biktima na kumain din ng palaka.

Hindi binanggit sa ulat kung anong uri ang palaka pero isa sa mga uri nito na nakakalason kaya hindi dapat kainin ang cane toad o karag, na magaspang ang balat.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">