Advertisers

Advertisers

Dahil naka-move on na…Carla keri na makipagkaibigan ulit sa ex-mister na si Tom

0 15

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

NAPAKAGANDA ng ginawa ng All Access to Artists o Triple A Management sa contract-signing ng bago nilang talent, ang GMA Drama Goddess na si Carla Abellana.
Lahat ng tanong ay hinayaan nilang sagutin si Carla during the panel interview, maging ang tungkol sa kontrobersyal na sitwasyon sa pagitan nina Carla at dati niyang asawa na si Tom Rodriguez.
Kaya naman kahit wala ng one-on-one interview ay walang nakabiting detalye o tanong tungkol sa dating magkarelasyon.
At kudos din kay Carla na napakatalinong sinagot ang mga pang-uusisa sa kanya, maging ang personal questions.
Tulad ng ano ang magiging reaksyon niya kapag biglaan silang magkita ni Tom sa GMA compound kung saan pareho silang artista
“Hindi naman po maiiwasan po iyon, dahil yun nga po, same industry po kami, bilang artista, yun nga po GMA pa po, nagkataon po.
“Inevitable po yun. Of course, matagal ko na pong naisip yun. Na-prepare ko yung sarili ko.
“Parang wala na po. Wala na akong mararamdaman kung sakali man pong mangyari yun or kung mangyari man na po yun.
“Pag dumating na yung araw na iyon, hindi na po. Wala na po.
“At least, kumbaga, kilala ko po ang sarili ko, parang ganun po.
“Confident na po ako na hindi naman po ako parang magpa-panic or matatakot o malulungkot, parang ganun.
“Ako naman po ay napaka-professional na tao. So, kung sakaling nasa studio po siya, o kunwari ay may show po, kung nandun po siya, wala pong problema. Kumbaga, trabaho lang po.”
Kaya ba niya na siya ang unang babati kay Tom?
“Ayoko po!
“Ayoko po because andami ko pong inaatupag, kailangang isipin.
“Hindi naman po. I don’t see the need. I don’t think it’s necessary na magkaroon pa na ganung initiative, attempt, o reach out.
“Hindi naman po kailangan. Hindi na po manggagaling sa akin,” pahayag ni Carla.
Tatlong buwan lamang mula nang ikasal sila ay naghiwalay na sina Carla at Tom.
Diretsong sinabi rin ni Carla na naka-move on na siya mula sa bigong relasyon nila ni Tom.
“Oo naman po. Definitely!
“Nahanap ko na po yung aking peace, yung talagang nasara ko na po yung chapter na iyon ng aking buhay.
“Lagpas-lagpas pa po, kumbaga, sa pagmu-move on. So, masayang-masaya po.
“Definitely masaya po ako ngayon sa buhay ko. I’m happy where I am pati po sa kung sino ako today.”
At dahil naka-move na siya, keri raw ni Carla na maging magkaibigan sila ni Tom kung sakali.
“Yung mga hindi nga natin akalain na hindi posible, nangyayari po. Yung mga akalain nating mangyayari, hindi nangyayari.
“Kumbaga, sa buhay po, napakadami pong kaganapan na unpredictable. So, ayoko pong, kumbaga, tuldukan o maging definite sa anumang bagay. So, anything can happen.
“So, wala po akong gustong i-finish, i-finalize, i-set.”
Samantala, maraming aabangan ngayon sa career ni Carla sa pamamahala ng Triple A na siya ring namamahala sa career nina Marian Rivera at Maine Mendoza.
***
ISA sa may pinaka malungkot na kuwento ng tunay na buhay sa showbiz ang Sparkle male star na si Abdul Rahman kaya naman interesting itong mapanood sa Magpakailanman o #MPK.
At siyempre, sino pa ba naman ang may karapatan to portray himself kundi si Abdul mismo dahil mabibigyan niya ng hustisya ang mga naganap sa kanyang life story.
“Ipapakita dito ‘yung struggles ko sa UAE,” umpisang kuwento ni Abdul. “How I really really wanted to leave the country and go back to the Philippines.
“May magaganap pang mga unforeseen na struggles ko doon and how I overcome it with my mom.”
Mahirap ang mga naging kalagayan sa buhay ni Abdul bago pa man siya pumasok sa showbiz, isa na rito ay ang mga dinanas nila ng nanay at kapatid niya na physical at verbal abuse noong nasa UAE sila.
“If I could describe my life story in one word, I would describe it as chaotic. Chaotic talaga. Honestly, madaming nangyari–good, bad–pero in the end of it all, tanggap pa rin natin eh,” sinabi pa ni Abdul.
Gaganap na ina ni Abdul (na na-stroke at inoperahan sa utak dahil sa blood clot) si Glydel Mercado na si Joyettes at si Travis Clarino ay gaganap naman bilang nakababata niyang kapatid na si Ziad.
Mapapanood ang brand new episode ng Magpakailanman na “My Mother and I: The Abdul Raman Story,” ngayong Sabado September 30, 8:15 p.m. sa GMA
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.