Advertisers
NASUNOG ang dalawang bus ng EagleStar sa Dimasalang Street, Sta. Cruz, Maynila.
Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) Manila, nagsimula ang sunog bago mag-9:00 ng umaga at naapula makalipas ang isang oras.
Sa report, nakagarahe lamang ang nasabing bus sa terminal kungsaan, ayon sa ilang driver, nakita na lamang nila na nagliyab ang bus na may body number 5382, at nadamay ang katabing bus (5482). Halos natupokng apoy ang mga ito.
Wala namang nasaktan o nasawi sa insidente, habang hindi nadamay ang katabing mga bahay dahil sa taas ng pader ng bus terminal, pero may ilang residente ang nakaranas ng hirap ng paghinga dahil sa kapal ng usok.
Hindi pa matukoy ang pinagmulan ng sunog. (Jocelyn Domenden)