Japanese film na ‘Monster’ na prodyus nina LT, Ria at Sylvia, dinumog ng stars ang premiere screening
Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
SA guesting ni Lorna Tolentino sa Korina Interviews ng NET25, inalala niya ang kanyang kabataan, at ang nakaraan nila ng namayapang mister, ang dating action star na si Rudy Fernandez.
Tanong ni Korina kay Lorna, “Ilang taon ka noong may Rudy Fernandez na?”
“Seven years old ako noong nakita niya ako. Tapos noong 14 years old ako, naging best friend niya yung kapatid ng mama ko.
“Pumupunta siya sa bahay tapos nakikita na niya ako. Noong adult na yung mga roles namin, medyo naging close na kami,” pagbabahagi ni Lorna
Ang pangako raw sa kanya noon ni Daboy nang una silang magkita ay pakasalan siya kapag dumating na ang tamang panahon. Sa pagkakaalala niya, 17 lamang ang aktor at 7 years old naman siya.
Pagbabalik-tanaw ni LT,”Actually, ang sinabi niya sa akin, tinupad daw niya yung pangako niya noong pinakasalan niya ako. Yung pangakong pakakasalan niya nga ako noong makita niya ako noong seven years old ako.
“Palakihin daw nang mabuti yung batang yan at pakakasalan ko siya,” kuwento pa ng aktres.
Kasunod nito, inamin nga ni LT kay Korina na wala pa siyang kahit anong karanasan noon sa pag-ibig nang maging boyfriend si Rudy.
“Wala akong experience kundi si Daboy lang. Mas okay para sa akin kasi pareho kami ng industriya. Maraming tinuro sa akin si Daboy na dala-dala ko hanggang ngayon.”
Kasunod nito, nabanggit din ng premyadong aktres na hindi rin perfect ang naging buhay niya noon at marami rin siyang pagsubok na pinagdaanan na mas nagpatatag at nagpatapang sa kanya.
Kaya binabanggit ni LT ang Monster dahil ito ang title ng Japanese movie na binili nila ng Nathan Studios, owned by Sylvia Sanchez and daughter Ria Atayde. Sila ang distributors nito sa Pilipinas. After maipalabas sa Japan ang nasabing pelikula, dito sa ating bansa ito susunod na mapapanood. Sa October 11 ang showing nito sa mga sinehan.
Noong Tuesday ng gabi ay nagkaroon ng Red Carpet Celebrity Screening para sa Monster. Siyempre, present doon sina Ibyang, LT at Ria. Dumalo rin sa event ang mga celebrity friends nila na sina JK Labajo, Bayani Agbayani, MC Muah, Alma Concepcion, Ynez Veneracion, Mon Confiado, Ara Mina, Angel Aquino at Ogie Diaz.
Present din doon ang mister ni Ibyang na si Papa Art Atayde at kanilang dalawa pang anak na sina Gela at Xavi. Nandun din ang publicist ni Ibyang na si Chuckie Gomez, na siyang nag-invite sa amin sa celebrity screening ng Monster.
In fairness, ang ganda ng istorya ng Monster. Naiyak kami while watching it.
Umiikot ang istorya ng Monster sa isang pamilya na humaharap sa pagsubok laban sa pambu-bully at sinusulong nito ang kahalagahan ng malusog na pag-iisip o ng mental health.
Sabi ni Sylvia tungkol sa Monster,”Isa na ito sa pinaka-magandang pelikula na napanood ko. Mapapa-isip ka talaga kung sino ba talaga ang Monster.”
Ipinaliwanag naman ni Sylvia kung ano ang goal ng Nathan Studios sa pagpo-produce ng mga pelikula.
“Maraming nagtatanong kung ano ba ang goal ng Nathan Studios sa pagpo-produce ng pelikula. Ang goal po namin is mag-produce ng sarili nating pelikula rito sa Pilipinas kasi naniniwala ang Nathan Studios na maraming magagaling na mga aktor na hindi nabibigyan ng chance. Gusto naming i-showcase abroad ang mga aktor na ‘yun. At the same time, pipili rin kami ng mga pelikula sa ibang bansa na alam namin na tatanggapin o tatangkilikin ng mga Pinoy gaya nga po nitong Monster,” aniya pa.