Advertisers

Advertisers

Mikee inamin, nainlab pero ‘binasted’ ni Alden

0 8

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

NAGING prangka at totoo sa sarili si Mikee Quintos nang maging panauhin siya sa Fast Talk with Boy Abunda.
Sa nasabing show, sinabi ng aktres na na-in lab siya sa Kapuso actor na si Alden Richards.
Aniya, sobra raw kasi ang paghanga niya sa “Asia’s Multimedia Star”.
Nangyari raw na nahulog ang loob niya sa bedimpled actor nang makatrabaho niya ito sa GMA-7 seryeng “The Gift.”
Inilarawan pa niya si Alden na ‘sweet, kind, gentle at God-fearing’ person.
Katunayan, inamin daw niya ang kanyang tunay na nararamdaman sa actor.
Pero hindi raw naman ito ni-reciprocate ni Alden.
“Nakilala ko ‘yung pagkatao niya, ‘yung sweet siya, na mabait siya, kung gaano ka genuine, sobrang God-fearing. And I just had to try to express whatever I was feeling. I couldn’t explain it. Sinabi ko ‘yun straight up. I think nakikita ko na ngayon ‘yung worth ng tapang ko, hindi siya something na ikakahiya ko,” ani Mikee sa King of Talk.
Gayunpaman, hindi raw naman niya nagawang magtanim ng sama ng loob kay Alden sa ginawa umano nitong ‘pambabasted’ sa kanya.
Nangibabaw daw sa kanya na makita ang mga magagandang katangian nito.
Natuto na rin daw siyang mag-move on sa nangyaring karanasan.
After that, wala raw namang naging ilangan sa kanila ni Alden, bagkus ay naging mabuti pa silang magkaibigan.
Sa ngayon, si Mikee ay in a relationship with co-Kapuso na si Paul Salas.
Kamakailan lang ay naging kontrobersyal ang dalawa dahil sa isinampa nilang kaso sa nang-scam sa kanila.
***
Billy suportado ang pagpapaseksi ng misis na si Coleen
NAKILALA noon si Coleen Garcia sa paggawa ng sexy movies bago pa man siya nagpatali at nagkaanak kay Billy Crawford.
Ayon kay Billy, bilang isang aktor ay naiintindihan niya ang trabaho ng misis.
Hindi raw siya nakikialam sa kabiyak maging sa paggawa ng love scenes sa mga proyekto nito.
Aniya, ayaw daw niyang maging kontrabida kay Coleen kaya lagi raw niyang sinasabi rito na kapag gagawa ito ng love scenes o anumang maseselang roles ay iwaksi siya sa isip nito.
Pagbibiro pa niya, nakakatsika pa nga raw niya ang mga naging leading men nito.
Never din daw siyang nagselos sa mga naging kapareha nito maging sa intimate scenes.
“I think she has to understand na pagdating sa trabaho, she really has to take me away from the equation,” aniya. “Kumbaga, she has to look at me as someone who fully supports kung ano ‘yung kailangan niyang gawin for the role, gawin niya lang,” dugtong niya.
Sa nasabing panayam, sinabi rin niya na very open sila at hindi nagtatago ng sikreto sa isa’t isa mula nang sila’y magkapamilya.
Itinuturing din daw nilang best friend ang bawat isa.
Sa kanilang dalawa, aminado rin siyang siya ang madalas na nangangalabit sa kabiyak.