Advertisers

Advertisers

KASINUNGALINGAN KONTRA RECLAMATION

0 47

Advertisers

MARAMING ikinalat na kasinungalingan ang mga grupo na nagpakilala na tagapangalaga daw ng kaligiran at mga expert daw sa usapin. Ipagmagaling ang masamang epekto ng reclamation kahit walang sapat na batayan. Inilisya ang madla ng mga pekeng scientist at expert sa mga kuwento ng lagim na dulot ng reclamation.

Hindi totoo ang ipinagmagaling na ang mga reclamation project ang sanhi ng lindol, tsunami, storm surge, at iba pang kuwento. Walang basehan ang pananakot ng mga pekeng scientist tulad ng isang marine geologist na walang alam sa liquid dynamics at iba pang disiplina tungkol sa agham ng kalikasan (natural science).

Sumibol ang teknolohiya ng reclamation upang supilin ang masamang epekto ng reclamation sa kaligiran. Masusing pinag-aralan ng mga siyentiko, inhinyero, at iba pang pantas sa agham ang maaaring masamang ibubunga ng reclamation sa kaligiran. Hindi totoo ang mga kuwento ng lagim ng mga nagmamagaling na tagabantay ng kaligiran.



Kung may batayan ang mga kuwento ng lagim kontra reclamation, hindi sana itinayo ang mga bagong paliparan ng Singapore, Hong Kong, at South Korea sa mga reclaimed areas. Hindi na sana inilagay ang malaking bilang ng mga mamamayan ng The Netherlands sa mga reclaimed areas na tinawag nilang flevopodder.

Maski sa Maynila, tagumpay ang reclamation project. Itinayo ang Manila South Harbor sa isang reclaimed area malapit sa Manila City Hall. Sinakop ang bahagi ng Manila Bay upang itayo ang Port Area sa distrito ng Intramuros. Sinakop rin ang ilang bahagi ng karagatan sa may Tundo upang itayo ang Manila North Harbor at ang Tondo Foreshoreland Area. Natapos ang mga ito ng mga 1950 pagkatapos ng digmaan sa bansa.

Noong 1970’s tinabunan ang malaking bahagi ng karagatan sa gawi ng Cultural Center of the Philippines. Hindi iyan ang katapusan dahil kasama rin sa reclamation ang malaking bahagi ng Manila Bay sa reclamation project na pinangunahan ang mangangalakal na si Tan Yu.

Hindi naitago na ang pangunahing usapin sa pagkontra sa mga reclamation project ay hindi ang mga kuwento ng lagim ng ilang grupo. Pinakamatindi ang sangkot ng mga kompanyang Intsik sa dredging operations para sa reclamation. Matindi ang pangamba na hindi lehitimong dredging operations ang gawi ng mga Chinese dredging firm kundi pag-eespiya sa U.S. Embassy sa Maynila.
***
ISA sa pinakamaselang isyu ang right of way kung bakit mas gusto ng mga kompanya na gumawa na lang ng reclamation project imbes mamili ng bagong lupain sa Metro Manila. Mas mura kasi ang reclamation project kaysa mamili sila ng mga lupain para sa kanilang real estate project. Hindi biro ang commercial value ng mga lupa na maaaring bilhin. Bukod diyan, may mga lupa na dapat bilhin para magkaroon ng daanan. Hindi biro ang halaga ng right of way sa marami bumibili para ihanda ang kanilang project.

Madalas umaabot sa asuntuhan ang isyu ng right of way dahil kailangan mabili ang ilang piraso ng lupa. Lubhang masalimuot at kumplikado ang proseso at hindi basta natatapos ito pagkabili ng lupa. Maraming pinagdadaanan at hindi matapos-tapos ang proseso.



***

TUTOL kami sa pagdakip at pagkulong kay Pura Luca Vega, ang drag queen na nagsuot ng kung anu-ano upang kontrahin ang ilang paniniwala sa relihiyon. Hindi mandarambong si Pura na ginalaw ang kaban ng bayan. Ipinahayag niya ang kanyang paniniwala kahit ginulat tayo ng kanyang paraan sa pagsasabi. Para sa amin, wala siyang nilabag na batas.

Hindi malaki ang inabot ng kanyang nakakagimbal na pagpapahayag. Maliit lamang at dahil sa pagkakadakip at pagkakakulong, pinasikat siya ng mga alagad ng batas na nagpapanggap bilang tagabantay ng moralidad at paniniwala. Hindi siya nakaapekto sa lipunan. Ginamit ng mga alagad ng batas ang luma at hindi na makabuluhan batas – offense to religious sentiment. Hindi nga malaman kung bakit may ganoong batas.

***

MAYROON obserbasyon ang netizen na si Bob Blue Magoos: “Only in the Philippines do you see garbage collectors without gloves or proper gear exposing them to diseases. Open trucks exposing the stench and germs. Some even have children collecting. The DOH is blind. LGUs should also do their part! Stop hiring irresponsible contractors!”

Bakit hindi magkaroon ng batas o ordinansa na ang lahat na nagtratrabaho bilang basurero – tagapulot at tagatapon – ay mayroon mga sariling uniporme at kagamitan upang pangalagaan ang sarili kontra dumi at mikrobyo na kasama sa kanilang gawain?
***
SALITANG DAPAT TANDAAN:
“What’s even more worrisome than the shrinking value of the peso is the shrinking value of human life in our country.” – Gideon Lasco, netizen

***

Email: bootsfra@yahoo.com