Advertisers

Advertisers

Bagong mukha, bagong pag-asa ng Calabarzon

0 1,024

Advertisers

MAY bagong police director ang Region 4-A o CALABARZON ( Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) sa katauhan ni Brigadier General Kenneth lucas, miyembro ng prestihiyosong Philippine National Police Academy (PNPA) Class ’95.

Pinalitan ni Lucas ang inaanak sa kasal ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na si BGen. Carlito Gaces na mula nang matalagang RD4-A noong Abril ng kasalukuyang taon hanggang sa masibak noong Oktubre 3 ay naging kontrobersyal ang liderato.

Simula day 1, ng kanyang panunungkulan ay “talk of the town” na si Gaces dahil mga vice operators ang kaagad inatupag ng kanyang pamunuan-hindi para mag-operate laban sa droga, paihi, illegal gambling at iba pang salot sa lipunan, kundi kinausap ang mga lords para maglagay ng labag sa batas na pinagkikitaan kapalit ang regular na weekly payola?



Ang R4-A ay kilala sa pagiging notoryus,basta kailigalan ang pag-uusapan dahil sa rehiyong ito matagal nang namamayagpag ang lahat ng uri ng vices tulad ng jueteng, lotteng, sakla, pergalan (perya at sugalan) at iba pa, ganon din ang petroleum smuggling at paihi.

Sa panahon ni Gaces,lalong naging talamak ang illegal gambling at paihi dahil tila kinukunsinti nga ng kanyang liderato ang operasyon ng STL con- jueteng, sakla, lotteng, pergalan at maging ang petro smuggling sa Batangas City at iba pang lugar sa CALABARZON. Naging lantaran na animo’y legal ito at hindi hinuhuli ng kapulisan.

Hanggang sa mga huling linggo at araw sa Camp Vicente Lim, ay si Gaces pa rin ang paksa sa mga huntahan dahil sa pag-ikot ng grupo ng intelhencia kolektor lalo na ng grupo ng isang Jonathan Garote sa mga vice lords sa Batangas, Quezon at Lagun at Rizala na pilit na pinasusuka ng milyones bilang “pabaon” daw sa papaalis nang RD4-A na wala ngang naging magandang accomplishment bagkus ay nag-iwan ng kahihiyan sa Pambansang Kapulisan.

Bukod sa isyu ng tong collection racket ay naging usap-usapan din si Gaces dahil sa tila apoy na kumalat na ulat na paggastos sa pondo ng RD-A headquarters tulad ng PNP Fund sa birthday ng anak, bagay na ikinakunsumi ng kanyang mga kasamahang pulis officials sa rehiyon at ikinairita ni PNP Chief Benjamin Acorda Jr.

Sa pagkakahirang kay Lucas bilang CALABARZON top cop, palibhasa’y bagong mukha kaya buhay din ang pag-asang magkakaroon ng bagong anyo at pagbabago ang hanay ng PNP sa Timog Katagalugan.



Si Lucas na marahil ang kasagutan para mawakasan na ang talamak na operasyon ng petroleum product smuggling sa Batangas City Pier at pagsibak sa imbakan ng mga paihi o ninanakaw at smuggled na krudo at gasolina malapit sa likuran ng bahay ni Brgy. Calansayan Chairman Felix Gutierez sa bayan ni San Jose Mayor Bien Patron.

Ang mga rice smugglers sa Batangas City Pier, ilang coastal areas tulad sa mga bayan ng Lobo, San Juan at iba pang tagong daungan sa lalawigang ito ni Batangas Gov. Hermilando I. Mandanasay ay dapat lansagin, hindi “papatungan” o proteksyunan ng mga opisyales at kagawad ng kapulisan ni Lucas.

Inaasahang papuputol din ni Lucas ang operasyon ng STL con-jueteng tulad ng inooperate ni alyas Encarnacion o alyas Encang pulis at ng kasosyo nitong alyas Kap Borce sa bayan ng Laurel; STL bookkies ni Raffy sa bayan ni Malvar Mayor Crestita Reyes na retiradong heneral alyas Gen Abo-Sayaf aka Gen Abo-Gago ang sinasabing kapitalista.

Kasama din kailangang wakasan na ni Lucas ay ang Tanauan City gambling/drug Mafia” nina Ocampo ng Brgy. Bagbag at alyas Kon Burgos ng Brgy. Boot; pa-bookies sa bayan ng Sta Teresita; at STL con-jueteng din ni Boss Naome sa Munisipalidad ng Calatagan.

Ang pergalan (perya at sugalan) sa likod lamang ng Lobo town Municipal hall, ilang metro din lamang ang layo sa opisina nina Mayor Lota Manalo at Lobo Police Chief Major Von Eric F. Gualberto sa Municipal Police Headquarters na inooperate ng ex-convict na si alyas Boy Life at Eve gayundin ang permanente o puesto pijo na pasugalan ng color games, cara y cruz at iba uri ng sugal sa tabi lamang ng CP Reyes Satellite Clinic. Ang lahat na kailigalan sa Malvar ay “nasa tungki lamang ng ilong” ng kapulisan ngunit wala namang aksyon laban dito si Malvar Police Chief Capt. Nestor Serrano, kaya dapat unahin na ipalansag ito ni Lucas.

Nagpapakilalang kumare ni Mayora Reyes ang operator ng Malvar gambling den kaya hindi tinitinag ng mga pulis kahit mahigit sa kalahating taon nang nagpapasugal doon. Ilang metro lamang ang layo nito sa Malvar Police Detachment sa Brgy. Santiago ng nabanggit na bayan, kaya nagbibigay ng malaking kahihiyan sa imahe ng iyong mga pulis, General Lucas.

Samantala sa Laguna ay may apat na paihian, 25 STL con-jueteng, sangkaterbang pergalan at puesto pijo na sugalan sa Sta Rosa City, Binan City at mga saklaan ang nag-ooperate sa hurisdiksyon ni PNP Provincial Director Col. Harold Depositar. Sa lalawigan ng Rizal sa AOR ni PD Col. Rainiero De Chavez ay untouchable ang PnB con-jueteng ni John Yap, STL bookies nina Zola at Allan, mga pergalan ng mag-asawang Dodie at Elvie sa Tanay, Joan sa Brgy. Mambugan, Antipolo City at Mang Bert sa San Mateo. Marami pa tayong pasalubong kay General.

***

Para sa komento: Cp. No. 09664066144.