Advertisers
NASUNGKIT ni Margarita “Meggie” Ochoa ang pangalawang gintong medalya ng Pilipinas sa Jiu-jitsu sa 19th Asian Games sa Hangzhou,China Huwebes,Oktubre 5,2023.
Sa final match ng women’s -48kg division, binalibag ni Ochoa si Balqees Abdulla ng United Arab Emirates para isako ang gintong medalya.
Pangalawang gold medal ng Pilipinas dito sa edition ng Asian games,matapos magwagi ni pole vaulter Ernest John Obiena nakaraang Setyembre 30.
Habang sinusulat ang balitang ito ang Pilipinas ay mayroon ng 2 golds,1 silver, at 9 bronze medal sa nagpapatuloy na Asian Games.