Advertisers

Advertisers

Gerald Dequina ‘di nang-iiwan sa anumang laban

0 87

Advertisers

KAILANMAN ay hindi marunong mang-iwan sa anumang laban si Gerald Dequina, isang political officer, sa anumang labang pinapasok ng kanyang sinasamahang politiko.

Ito ay kanyang pinatunayan sa pagsama kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. noong 2016 nang lumabang bise-presidente ang huli.

Sa naturang laban ay ipinakita ni Dequina na kahit pa hindi maganda ang resulta ng laban ni PBBM ay hindi niya ito iniwan, bagkus sa hirap at ginhawa nito sa laban sa Presidential Electoral Tribunal (PET) ay kasama siya nito. Mismo!



Kaya nga nitong pagtakbo ni Bongbong bilang Pangulo ay isa siya sa gumawa ng lahat ng paraan para matiyak na mananalo ang Pangulo.

Hindi rin matatawaran ang koneksyon at lalim ng mga kakilala ni Dequina pagdating sa pulitika dahil sa kanyang karisma at galing sa pakikisama kung kaya’t madali para sa kanya na ilako ang isang kandidato sa local government units at maging sa grassroots.

Tunay na loyalista ang pamilya ni Dequina sa mga Marcos. Oo! Ang kanyang lolo na dating gobernador ng North Cotabato ay inalis sa puwesto noong 1986 revolution.

Pinatunayan din ni Dequina ang pagiging loyal nito kay Special Assistant to the President (SAP) Antonio Lagdameo, Jr. na halos parang magkapatid pa sila kung magturingan.

At sa kanyang pakikisama at paglilingkod kay Lagdameo ay tiniyak niyang hindi lang siya loyal dito kundi siya ay tunay na mapagkakatiwalaan sa lahat ng bagay-bagay.



Ang kanyang pagiging loyal ay pinatuyan narin kay Senate President Juan Miguel Zubiri, na kungsaan ay kasa-kasama niyang ipinaglalaban ang kandidatura nang simula itong tumakbong senador noong 2007.

Kagandahan din kay Dequina ay hindi siya nanghihingi ng anumang kapalit o naniningil mula sa taong kanyang tinulungan dahil sa katwiran na kung anuman ang mayroon siyang puwesto ay deserve niya at kaya niyang tupdin ang trabahong iniatang sa kanya upang ang tiwala ng principal ay kanyang mapanatili. Yes!

Sa anumang labang sinuong ni Dequina sa kanyang mga sinamahang pulitiko ay hindi mo man lamang ito maririnig na nagrereklamo at makikitang napagod at nakasimangot kundi laging may ngiti at walang angal na gagawin ang trabahong iniatang sa kanya.

Kaya masuwerte ang taong kanyang sasamahan at tutulungan, at tiyak na mayroong magandang tutunguhan at magtatagumpay sa kanyang laban. Yan si Gerald Dequina.

***

May patutsada na naman si Vice President Sara Duterte-Carpio sa mga kontra sa confidential funds: “Kung sino man ang komokontra sa confidentil funds ay komokontra sa kapayapaan. Kung sino ang komokontra sa kapayapaan ay kalaban ng bayan.”

Ang sagot ng netizens: “Hindi kuwestyon ang confidential funds. Ang kailangan namin ay resibo kung saang programa ito ginagamit. Karapatan naming taxpayers malaman kung saan napupunta ang pinag-ambag-ambagang buwis para sa mga programa ng pamahalaan. Dapat isapubliko, may resibo, ang bawat sintemo na ginagasta ng gobyerno. Period!”