Advertisers
NITONG nakaraang linggo lumabas ang katotohanan na mali ang pinagsisigaw nila si Jonila Castro at Jhed Tamano mga batang mag-aaral na nagoyo ng omunistang-teroristang kilusang CPP-NPA-NDF.
Dinukot raw sila ng militar, ang sigaw ng dalawa na ikinagulat ng lahat sa isang press conference na pinangunahan ng National Task Force to End Local Communist Armed. Ikinagulat dahil plantsado na ang lahat nang sumuko ang dalawa noong September 12, 2023.
Maganda ang Paghahanda sa press conference na yaon, dahil naunawaan ng dalawang estudyanteng nagtatago bilang mga environmentalist, yun pala’y mga miyembro na ng NPA. Nakipag-sundo sa mga opisyal ng pamahalaan matapos ang kanilang pag-suko, kaya’y nilatagan ng mga programang aangkop sa kanilang pagbabalik-loob.
Nang nagsimula ang press conference, biglang sumig-gwada itong si Castro at pinagsigawang dinukot raw sila at hindi sumuko.
Nakipagplastikan lang pala sa kanilang pag-suko at ang plano ay ipahiya ang di lamang ang pamahalaan, bagkus ay pati kanilang mga magulang na nasaksihan ang lahat ng proseso nang mapunta na sila sa kamay ng pamahalaan.
Walang ibang intensiyon ang pamahalaan at ang kanilang mga magulang kung di sila Tamano at Castro ay makapamuhay na muli nang maayos, walang kinakatakutang mga kasamahan na maaaring sila ay likidahin dahil sa kanilang pagtakas sa kilusan.
Ang sumunod ay isa pang press conference upang ipakita ng NTF-ELCAC ang mga video, kung saan sinasabi ng dalawa na sila ay mga miyembro ng NPA. Si Castro na apat na taon ng nasa kilusan ay mismong umamin na minsan nga raw ay kasama siya sa isang enkwentro sa Bulacan, at si Tamano ay isang underground agent na taga-recruit pa ng iba pang kabataan na maaaring magoyo pa ng CPP-NPA-NDF.
Lumabas ang katotohanan sa kanilang paglantad at nabale-wala ang kanilang pagsisigaw at kasinungalingang sila ay dinukot at di sumuko.
Ang mga video at ang kanilang pag-amin ay di maikalailang sila mismo ang nagkusa na umalis na sa kilusang nasamahan na may mali palang ideolohiya na kalaunan ay kanilang napagtanto na.
Ang katotohanan, ay laging mananaig sa kasinungalingan. Yan ang dapat na laging tatandaan ng ating mga kabataan.