Advertisers

Advertisers

PAG-ATAKE NG HAMAS KINONDENA NG ‘PINAS

0 6

Advertisers

MARIING kinondena ng pamahalaan ng Pilipinas ang panibagong pag-atake ng Hamas militants sa Israel.

Ayon sa Office of the President (OP), kaisa ang gobyerno sa pakikidalamhati sa pamilya ng mga namatay sa panibagong karahasan na ikinasawi ng mahigit dalawang daang indibidwal.

Binigyang diin ng tanggapan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kinikilala ng pamahalaan ang karapatan ng mga estado na ipagtanggol ang sarili sa gitna ng panlabas na agresyon na kinikilala rin ng United Nations Charter.



Matatandaang idineklara ni Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu na “at war” o nasa estado na ng pakikidigma ang kanilang bansa kasunod ng sorpresang pag-atake ng Hamas. (Gilbert Perdez)