Advertisers
Sugatan ang isang matanda nang masabugan ng isang improvised bomb sa compound ng NAIA.
Sa report, aksidenteng nasindihan ng biktima na si Romeo Soriano, 65 anyos, ang bomba habang nangangalakal ito dahilan upang masugatan ito.
Agad nilapatan ng lunas ang biktima na dinala rin sa PNP Avesec Office.
Rumesponde rin ang PNP Aviation security group at mga pulis sa nasabing paliparan katuwang ang Manila International Airport Authority.
Nauna na rito’y nakaalerto ang nasa 42 paliparan bunsod na rin sa natatanggap ng bomb threat via email.