Advertisers

Advertisers

BONG GO: TURISMO PALAKASIN PARA SA TRABAHO

0 9

Advertisers

Suportado ni Senador Christopher “Bong” Go ang panukalang badyet at mga programa ng Department of Tourism para sa susunod na taon dahil sa mahalagang papel na ginagampanan ng turismo sa paglikha ng trabaho at paglago ng ekonomiya.

Ayon kay Go, ang turismo ay isang pundasyon ng ekonomiya at kailangan aniyang maglaan ng sapat na pondo upang mapalago ang sektor na ito kaya naman todo-suporta siya sa patuloy na programa ng Department of Tourism.

Ang suporta ng senador sa budget ng DOT ay itinala ni Senate tourism committee chairperson Nancy Binay.



Batay sa survey ng Pulse Asia na isinagawa mula Setyembre 10 hanggang 14, nabatid na 27% ng respondent ang tinukoy na ang paglikha ng mas maraming trabaho ang ikatlo sa kanilang concern. Binibigyang-diin ng datos na ito ang kahalagahan ng sektor ng turismo na may mahusay na pondo ang tugon sa alalahanin sa trabaho ng publiko.

“Bilang miyembro ng Senate committee on tourism, dapat tayong magtulungan upang mapabuti ang ating pagsisikap na isulong ang ating bansa sa mundo bilang pangunahing destinasyon ng turismo. Dapat nating suportahan ang ginagawa ng kasalukuyang administrasyon na iangat ang ating ekonomiya at buhay ng mahihirap,” ani Go.

Aniya, ang pinakamahalaga ay ang sinseridad na pagbutihin ang trabaho na maglingkod sa bayan at siguraduhing walang nasasayang na pera na dapat ay nagagamit para sa ikabubuti ng taumbayan.

Ikinagalak ni Go ang pagbubukas ng mga bago at pinahusay na imprastraktura at turismo sa bansa at binigyang-diin na dapat kumpletuhin ang mga proyektong Build, Build, Build ng administrasyong Duterte para sa benepisyo ng mga Pilipino.

Sinuportahan niya ang pagpapaunlad ng iba’t ibang paliparan at daungan sa bansa para mapalakas ang turismo at oportunidad sa ekonomiya sa mga lalawigan.



Nagbigay din ng tulong si Go sa sektor ng turismo sa iba’t ibang bahagi ng bansa, kabilang sa Ilocos Norte, Cebu, Batangas, at Antique, partikular sa kasagsagan ng pandemya.

Sa nakaraang administrasyon, aktibong nakikibahagi si Go sa iba’t ibang hakbang na may kinalaman sa turismo, kabilang ang rehabilitasyon ng Boracay Island.

Ang multifaceted approach ni Go sa turismo at pagpapaunlad ng imprastraktura ay nagbibigay diin sa pangako niya na hindi lamang muling buhayin ang sektor ng turismo kundi pati na ang pagbibigay ng sustainable economic opportunities para sa mga Pilipino.