Advertisers

Advertisers

‘Modelo lang ako ng kompanya’ – Ricardo Cepeda

0 21

Advertisers

“Modelo lang ako ng kompanya at wala akong kinalaman sa kaso.”

Paglilinaw ng aktor na si Ricardo Cepeda nang damputin ng mga tauhan ng Quezon City Police District-Warrant Section noong Sabado bunsod ng kasong syndicated estafa.

“I was shocked because I wasn’t aware na umabot sa may warrants ako. I had heard na may mga scandal, hindi ko alam na sinama nila ako,” anang aktor.

Ayon kay Cepeda, modelo lamang siya ng mga produkto ng inirereklamong kompanya, tulad ng energy-saving gadgets.

“I am not connected at all sa company, even sa business registration my name is not there. Wala ako sa running business, anything of the company. Model lang ako about the products,” dagdag pa ng aktor.

Dinakip si Cepeda noong Sabado sa Caloocan sa bisa ng arrest warrant na inilabas ng korte kaugnay sa kasong syndicated estafa na isinampa laban sa aktor sa iba pang suspek na pinaghahanap.

Hindi naman masabi ng QCPD ang halaga ng na-estafa ng aktor na inireklamo ng mahigit 40 katao, na nangyari sa Cagayan.

Aminado si Cepeda na kailangan niyang patunayan na inosente siya habang nakakulong dahil walang piyansa ang kaso.

Naniniwala si Cepeda na mapapawalang-sala siya sa mga isinampang kaso laban sa kaniya.
Itinanggi naman ng beauty queen turned actress Marina Benipayo na sangkot sa anumang investment ang kanyang mister na si Cepeda. (Almar Danguilan)