Advertisers

Advertisers

Cavite, isinailalim na sa state of calamity

0 212

Advertisers

Isinailalim sa state of calamity ang lalawigan ng Cavite na kasalukuyang binabayo ng bagyong Rolly.
Ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG) Cavite, nasa state of calamity ang lalawigan, batay sa ipinasang resolusyon ng Sangguniang Panlalawigan.
Pinaaalalahanang ang mga nasa probinsya na maging ligtas sa pamamagitan ng paglikas sa tirahan kung kinakailangan at pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan.
Daan-daang indibidwal na ang nasa mga evacuation center sa Carmona, Tagaytay, Cavite City, Naic, Ternate, Magallanes, General Mariano Alvarez, Rosario, at Noveleta dahil sa mga banta ng pagbaha, pagguho ng lupa, at daluyong.
Passable pa ang lahat ng kalsada sa ngayon at normal pa ang nibel ng tubig sa lahat ng pangunahing ilog sa lalawigan.
Wala pa ring naitatalang insidente kaugnay ng bagyo, pero naka-standby na ang mga tauhan ng rescue at iba’t ibang ahensya sa Cavite.
Nasa higit 90 kilometro ang baybayin ng Cavite na nasasakupan ng siyam na munisipalidad na maaring maapektuhan ng storm surge.
Mayroon ding bulubunduking lugar sa Cavite na posibleng maapektuhan ng pagguho ng lupa.