Advertisers

Advertisers

Movie ni Kathryn inalat din sa Tate

0 26

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SA pagsalang ni Alden Richards sa FT ni Boy Abunda ay hayagan nitong ibinulalas ang naramdaman nito dati sa 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach.
Wala na itong kiyeme sa nararamdaman nung makita si Pia.
Matalik kasing magkaibigan sina Pia at Pauleen Luna kaya kapag nakikita ni Alden si Pia ay kakaiba raw ang kabog ng kanyang dibdib.
Pinagsamang crush at pagkagusto raw ang nadama ni Alden sa beauty queen
Pero kapag nakikita niya ito ay wala namang tsansa na maipakita at maipahayag nito ang kanyang pagkagusto kay Pia.
Hanggang gusto lang daw niya ito pero walang aksyon sa Pambansang Bae.
Tila may panghihinayang pa si Alden at di natuloy ang panliligaw nito kay Pia.
“Sayang!”sambit pa ni Alden.
***
ISANG Pinoy film ang nakaranas ng alat at di tinao sa ginawang screening sa Tate, ang pelikulang A Very Good Girl.
Kahit nga kumuha na ng PR doon sa Tate ay di pa rin daw ito dinumog.
Naka-ilang kansela na raw kasi ang naranasan ng screening ng A Very Good Girl nina Kathryn Bernardo at Dolly De Leon.
May mga natuloy naman umano na screening ng nasabing film pero bilang na bilang lang sa daliri ang mga nag-watch ng movie.
Pinakamarami na nga raw ang 13 viewers na nasa screening.
Pero marami nga raw kanselasyon sa screening ng A Very Good Girl na di naging good ang kita sa takilya
Sign na kaya ito na wala at tapos na ang charm or karisma ni Kathryn?
Well, well, well…’Yun na!