Advertisers

Advertisers

Ex-Pres. Duterte vs Spkr. Romualdez

0 13

Advertisers

NAKAKATAWA itong si dating Pangulo Rodrigo “Digong” Duterte. Nagde-demand siyang i-audit ang tanggapan ni House Speaker Martin Romualdez, ang matunog na maging katunggali ng kanyang anak (Vice Pres. Sara Duterte-Cario) sa 2028 presidential derby.

Actually, tama itong panawagan ni Digong. Kaya lang… wala na siyang kridibilidad para humirit ng transparency. Kasi noong presidente siya ng bansa ay kahit Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) niya ay ayaw niyang isapubliko gayung ito’y ipinag-uutos ng batas. Pati nga bank accounts niya na naging subject ng imbestigasyon ng ilang senador noon ay ayaw niyang ilabas, sa halip ay ipinatanggal pa ang Sr. Deputy Ombudsman na si Melchor Arthur Carandang at pinag-initan sina noo’y Senador Antonio Trillanes at Liela de Lima na silang nag-iimbestiga sa kanyang napakaraming bank accounts na naglalaman ng bilyones, na nakamal niya kuno habang mayor pa siya ng Davao City.

Ang panawagan ni Digong sa Commission on Audit, na minsang pinag-initan at binantaan niyang ihuhulog sa hagdan ang mga state auditor, ay kasunod ng pagtanggal ng House ng confidential funds sa mga tanggapan ni Sara at sa ilan pang civilian agencies ng pamahalaan tulad ng Department of Agriculture (DA), Department of Information, Communications and Technology (DICT) at Department of Foreign Affairs (DFA).



Bago ito, si Sara ay humirit ng P500 million confi-intel funds para sa kanyang Office of the Vice President at P150 million bilang DepEd Secretary. Pero ang lahat nang ito ay binura na ng Kongreso dahil narin sa pag-iingay ng mamamayang taxpayers.

Nabunyag din, sa rekord ng CoA, na si Sara ay nagkaroon din ng P6.2 billion confi-intel funds noong alkalde pa siya ng Davao City mula 2016-2022, mas malaki ng ilang doble sa naging confi funds ng mas malalaki at progresibong mga lungsod tulad ng Quezon, Makati, Manila at Cebu. Pina-iimbestigahan ito ngayon sa CoA.

Kung seryoso si Digong sa kanyang panawagan at hamon niyang transparency sa tanggapan ng House Speaker, dapat buksan niya rin ang libro ng joint bank accounts nila ni Sara at kung saan nilustay ni Sara ang P2.6 billion confi funds noong mayor pa ito.

Dapat din ipaliwanag ni Sara kung saan niya inilagay ang P125 million confi funds na inubos niya sa loob lamang ng 11 days noong Disyembre 2022, ayon sa CoA report.

Oo! Since humihirit si Digong ng transparency sa tanggapan ni Spkr. Romualdez, aba’y dapat ilatag niya rin sa publiko ang ang mga kinukuwestiyon na tagong yaman nilang mag-ama.



Teka, yung depensa ni Digong na ang hinihirit ni Sara na confi funds sa DepEd, ito’y para raw sana sa bubuhaying ROTC.

Aba’y ang ROTC, kapag naging batas, ay mayroong sariling pondo, hindi kailangan ng confidential funds.

Ang hindi natin maintindihan dito sa mag-amang Duterte ay napakatakaw nila sa confidential funds tapos maghahamon sa tanggapan ng House Speaker maging transparent, eh sila itong ayaw isapubliko ang kanilang “tagong yaman”. Araguy!!!