Advertisers

Advertisers

BINIBINAY SI VP INDAY

0 10

Advertisers

Naalala niyo ba ang ginawa ng mga kalaban sa pulitika ng dating Vice President na sikat na sikat noon dahil lagi siyang numero uno kapag ‘presidentiable, ang pinag-uusapan?

Kahit anong gawin nila ay sure na talaga ang kanyang direksyon sa Malacañang.

Ang blunder ni Vice B noon ay maaga siyang nagdeklarang tatakbo bilang Pangulo ng bansa at liyamado na ito sa pinakamataas na puwesto.



Sari- sari ang ibinato ng mga kalaban sa mabungang puno pati burak wag lang siyang magiging pinuno.

Dahil sa paninira na wala namang napatunayan ay naolat ang sikat.

Tagumpay ang mga dilawan at pulahan.

Mayorya sa kanila ay nagpasasa sa kaban ni Juan.

Pinutol ang kahunghangan nang maging presidente si Digong Duterte.



Di rin sila nakabalik sa Palasyo dahil sa penomenal na tambalang BBM Sara.

Ngayon si VP Inday Sara ang sikat sa masa. Siya na nga ba ang susunod sa trono?

Op kors nariyan na naman ang dilaw at pula.

Pati na nakapaligid kay PBBM ay kabado na rin at opkors ang mainstream media na laging pabor sa mga salot ng lipunan ang kanilang airtime at print space.

May iilang nagmamartsa ss kalye na may plakard laban sa gobyerno ay full coverage na para palitawing magulo ang bayan.Habang kinakapanayam ang mga gusgusing lider daw ng mga makabayan ng libre.

Iyong mga pangkabuhayang isyu sa negosyo ay ang taas ng singil bawat segundo ng sasabihin pero ang mga perwisyo sa bayan ay wantusawa sa pagngangawa. Pati nga sa Kongreso ,piyesta ngayon ang mga leftist na naging mambabatas lang dahil sa kanilang party list.

Basta banat kay VP Sara kahit na mukhang abnoy na Kongresista( daw) na makabayan sa Kamara ay okey lang bumira.Dedma lang si ISPEKIR.

Ngayon pa lang tulung- tulong na sila para harangan ang daan ni VP Duterte tungong Malacanang. Pero di nila kayang i-binay si Inday. Antayin niyong mapuno ang salop lalo na kayong mga salot. Kumbaga sa basketball,malalim ang bench ni Sara at kumpara sa boksing,kahit ilang upak ang kalaban ay isang sapak lang sa mga hinayupak sa bayan…

ABANGAN!

Lowcut: Shoutout sa mga subok na sa serbisyo publiko diyan sa Bgy. Upper Bicutan,Taguig City sa pangunguna ng team captain ng koponan na si Kap. Rogie Gumaro at mga kagawad na sina Ronald “Bong Saging” Vergar , Nunay Dalde,Roland Isip,Robert AninoChona Beter, James “ Kome” Bagtas.Yan ang Team Public Servant ng Upoer Bicutan..

ABANGAN!

Wish ni Ka Ronald na magkaroon ng free check up at may maipatayong laboratoryo para sa ka- barangay upang maraming pasyente ang malulanasan at hindi malalagasan..aasahan namin yan!!!