Advertisers

Advertisers

Sariling tahanan pangarap ng Sepak Takraw

0 5

Advertisers

UMAASA ang Philippine Sepak Takraw Federation na mas mabibigyan ng pansin at matutugunan partikular ng pribadong sektor ang pangangailangan ng sports matapos ang makasaysayang pagwawagi ng dalawang bronze medal sa katatapos na Asian Games sa Hangzhou, China.

Aminado sina Jason Huerte at Ronsited Gabayeron, bahagi ng sepak takraw men’s squad sa Asian Games, na hindi napupusuan ng mga sponsor ang sports dahilan para sa mababang pagtingin ng mga Pinoy sa sports na itinuturing pinakasikat na sports sa Southeast Asian region.

Nakuha ng Pinoy takraw artists ang bronze medal sa regu event (3 players) at sa quadrant event (4 players). Ito ang kauna-unahang medalya na napagwagihan ng bansa mula nang maging regular sports ang sepak takraw sa Asian Games noong 1990



“Alam naming na napakahirap ilapit sa pribadong sektor ang sepak takraw, pero ginagawa naman ng aming president na si Ms. Karen Tanchangco na makakuha ng suporta. Hindi naman namin Masisi ang gobyerno dahil ang daming sports po na sinusuportahan ang Philippine Sports Commission,” pahayag ng 30-anyos na si Huerte, ang pinakabeteranong player sa koponan.

“Pinakamahirap na challenge sa amin, wala kaming permanenteng gym para sa training. Palipat-lipat kami, at nakiki-share sa tennis court sa Dacudao. Pero wala sa amin ito dahil determinado kaming umangat sa sports,” ayon kay Huerte na isa na ring enlisted officer sa Philippine Navy.

Sa kabila ng kawalan ng permanenting training venue, kumpiyansa si Gabayeron na makakamtan ng sepak takraw ang marami pang karangalan sa torneo abroad kabilang ang parating na Asian Indoor and Martial Arts Games sa Pebrero sa Thailand, gayundin ang SEA Games sa 2025 kung saan target nilang lagpasan ang dalawang silver na napagwagihan sa Cambodia nitong Mayo.

“Tuloy-tuloy po kami sa training kahit palipat-lipat. Hopefully, makakuha kami ngmga batang players na makakasama naming sa future tournament sa abroad,” ayon kay Gabayeron.

Sa darating na Nobyembre 7-10, isasagawa ng sepak ang National tryouts kung saan tampok ang mga imbitadong players mula sa Visayas at Mindanao, habang gagamitin ang Batang Pinoy at Philippine National Games – dalawang projekto ng PSC para sa mga batang atleta – na makapili ng mga babaeng players.



“Malaking bagay po sa aming mga atleta ang magkaroon ng sariling training venue, pero kung wala pa naman wala naman pong balakid para hindi mapataas ng atketa ang kanilang competitiveness at skills. Sa sepak, talagang yung skills mo ang kailangang madevelop sa mahabang panahon,” ayon kay Huerte na 13 taon nang miyembro ng Philippine Team.

Kasama ang iba pang miyembro ng koponan sa Asiad na sina Mark Joseph Gonzales, Rheyjey Ortouste, at Jom Rafael, nakatakdang tumanggap ng tig-P200,000 ang sepak takraw bronze medalists batay sa kasalukuyang Incentives Act.