Advertisers

Advertisers

Walang kinikilingang sistema ng hudikatura, palakasin — Sen. Go

0 6

Advertisers

Binigyang-diin ni Senador Christopher “Bong” Go na napakahalaga ng pagtataguyod ng mas matatag na sistema ng hudikatura sa bansa upang matiyak na ang hustisya ay maging accessible, mahusay at walang kinikilingan.

Sinabi ni Go na sa pamamagitan ng pagbibigay ng mataas na budget sa Department of Justice (DOJ), mas mapaglilingkuran nito ang ating mga kababayan na nangangailangan ng tulong at proteksyon.

Mahalaga aniyang maibigay ang mga kagamitan at resources na kailangan ng mga imbestigador, piskal at iba pang kawani ng DOJ para mas mapabilis ang proseso ng kaso at masiguro ang tamang pagpaparusa sa mga mapatunayang nagkasala.



Ayon pa sa senador, dapat tiyakin ng Department of Justice (DOJ) na ang mga Pilipino ay mabibigyan ng mas mabilis, patas, at mas madaling serbisyong legal.

Dahil dito nagpahayag ng suporta si Go sa panukalang budget para sa DOJ at mga attached agencies nito.

Inendorso ni Go, sa pamamagitan ni Senador Edgardo “Sonny” Angara, sa pagdinig ng Senate Committee on Finance’s Sub-Committee ang panukalang 21% augmentation sa budget ng DOJ na nagkakahalagang P34.486 bilyon.

Ang kanyang apela ay bahagi ng kanyang panawagan para sa isang mas makatarungan at pantay na Pilipinas, kung saan ang batas ay nagsisilbi sa pinakamahusay na interes ng lahat ng mamamayan.

“Hinihimok ko ang aking mga kapwa mambabatas na suportahan ang budget at mga programa ng DOJ para magkaroon tayo ng mas matibay na sistema ng katarungan na masasandalan ng mga naaapi,” giit ni Go.



Matatandaang nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 11643, na nagbibigay ng survivorship benefits sa nabubuhay na lehitimong asawa at umaasa na mga anak ng mga retiradong miyembro ng National Prosecution Service.

Ang batas, na co-authored at co-sponsored ni Go sa Senado, ay nagbibigay ng karapatan sa mga benepisyaryo sa lahat ng benepisyo sa pagreretiro na natatanggap o nararapat na matanggap ng namatay na miyembro.

Isa rin si Go sa mga may-akda at co-sponsor ng Salary Standardization Law 5 (SSL 5), na nagtaas ng sahod ng mga manggagawa sa gobyerno, kabilang ang mga pampublikong abogado.