Advertisers

Advertisers

SINUNGALING AT MANDURUGAS

0 9

Advertisers

SADYANG maanghang ang binitiwang mga salita ni Brig. Gen. Randolph Cabangbang, commanding general ng 203rd Infantry Brigade, noong Lunes, nang tawagin nitong ‘sinungaling at mandurugas!’, ang grupong Karapatan.

Bakit ganoon ang kanyang tinuran? Ang paliwanag ni Cabangbang nagsisinungaling ang Karapatan sa pagpapakalat ng balita tungkol sa pagkakahuli sa tatlong ‘communist terrorists’ sa Oriental Mindoro at ginagamit daw ng grupong ito ang maling balita para magkamal ng salapi sa tinatawag nilang ‘alert-surface-donation-release’ (ASDR) na sistema.

Kasama ang inyong likod ni Cabangbang nang bitawan niya ang pahayag sa pulong-balitaan ng NTF-ELCAC, at ang maling balita nga raw
ay may kalakip pang pagpapakilala na ang mga nahuling rebelde na sina Alia Encela, Peter del Monte at Job David ay mga “IP (Indigenous People) advocates” lamang.



Kaya naman ang sabi ko, ni hindi nga alam ng tatlo na sila ay mga IP advocates, at ang tangi nilang alam ay sila ay mga NPA (New People’s Army).

Sinang-ayunan ito ni Cabangbang, at inihayag na kahit sila Encela, Del Monte at David ay nabigla nang tawagin silang mga IP advocates ng Karapatan.

Tingin niyo bakit ganito ang ikinakalat na balita ng Karapatan? Ang kasagutan ay ito – ang mga komunistang-terorista ay ginagamit ang “ASDR” di lamang para magkamal ng pera galing sa mga donasyong malilikom, kung di para pondohan ang mga gawain ng Communist Party of the Philippines (CPP) at ang armado nitong unit na NPA.

Di lamang yan, gamit ito ng Karapatan para makapag-recruit ng mga kabataan na kahit nasa junior at senior high school pa lamang, kasama na ang mga out-of-school youth (OSY) sa malalayong komunidad.

Kaya paki-usap ni Cabangbang sa publiko, huwag magpapaloko sa Karapatan at huwag magbigay ng donasyon. At nilinaw rin niya, na hindi dinukot ang tatlo. Nagpapakita pa nga ng video footage ang opisyal, noong mahuli nila sila Encela, del Monte at David sa isang military operation noong October 3, 2023 sa may Sitio Malaglag, Barangay Lisap sa bayan ng Bongabong.



Kasalukuyang humaharap sa kasong paglabag ng Republic Act 8294, o’ ang Illegal possession and manufacture of explosive devices ang tatlo. Walang piyansa ang ganitong kaso ito nila Encela, David at del Monte.

Katunayan sa virtual na press conference na iyon dumalo rin ang mga magulang ng tatlo at nagpapasalamat pa nga na hindi pinaslang ang kanilang mga anak, bagkus ay inaalagaan pa ng ating mga sundalo.

“Inamin ng anak ko na hindi sila political prisoners, hindi sila nakakulong. Nandoon sila (sa kampo) sa kanilang freewill,” ang sabi ng ama ni David, na dating Overseas Filipino Worker (OFW).

Ano ngayon ang masasabi ng mga ‘sinungaling at mandurugas’ na Karapatan sa pahayag na iyan?