Advertisers
ARESTADO ang tatlong tulak ng droga, kabilang ang isang High Value Individual (HVI) nang makuhanan ng mahigit P300K halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation sa Valenzuela City.
Sa ulat ni Valenzuela Police Chief P/Col. Salvador Destura Jr. kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, 2:45 ng madaling araw nitong Linggo nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PEMS Restie Mables ng buy bust operation sa Gen T De Leon Road corner Calle Onse , Brgy. Gen T De Leon at mahuli. sa operation ang magkasintahang na sina Joel Montecalvo, 50, at Marilyn Belandres, 51, kapwa ng Brgy. 128, Upper Smokey Mountain, Tondo Manila na dumadayo pa sa pagtutulak ng droga sa lungsod.
Nakumpiska sa mga suspek ang 15 grams ng shabu na may standard drug price na P102,000, buy bust money, cellphone at P200 cash.
At 3:15 naman ng Sabado ng hapon nang unang maaresto ng kabilang team ng SDEU sa R. Delfin Str., Brgy. Marulas, si Danny Along, 46, high value individual ng 66 Pardilla Compound, Marulas, nang bentahan ng P9,500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.
Nakumpiska kay Along ang 30 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P204,000, buy bust money, cellphone at P100 cash.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.(Beth Samson)