Advertisers

Advertisers

Pinay caregiver ni-rape/slay ng anak ng katrabahong menor de edad

0 20

Advertisers

GINAHASA at sinakal hanggang sa mapatay ang isang Pinay overseas worker na nagtatrabaho bilang caregiver sa Jordan.

Kinilala ang biktimang si Mary Grace Santos na nauna nang naiulat na nawawala Oktubre 11.

Natagpuan ang bangkay ng biktima sa isang aparador sa basement ng kanyang pinagtatrabahuan.



Nauna nang nagpasaklolo ang pamilya ni Santos sa Overseas Workers Welfare Administration dahil sa pagkawala nito.

Sa ulat, ginahasa at sinakal ang biktima ng anak ng kanyang katrabaho na menor de edad.

“Anak daw po ng hardinero ng boss ng ate ko. Kaya nandun po siya, hindi daw po pumasok ang tatay niya kaya siya daw po ang substitute,” ayon sa salaysay ni Veronica Santos, ang kapatid ng biktima.

Sa ngayon, nahuli na ang salarin. Umuugong ang balitang bitay ang ipapataw na parusa rito pero dahil menor de edad kailangan pang maghintay ng dalawang taon para sa parusa.

“Ang ano po niya ay parang bibitayin po, pero since minor maghihintay pa po ng two years,” ani Veronica.



Walong taon na si Santos na nagtatrabaho sa ibang bansa bilang caregiver para suportahan ang kanyang dalawang anak, na may congenital heart disease ang isa.

Sinabi ng OWWA na iuuwi ang labi ni Mary Grace bansa ngayong Sabado.