Advertisers

Advertisers

INVESTMENT HUB NG NIPPON INVESTORS?

0 5

Advertisers

Nagsisilbing top investment choice ng mga Japanese investors ang Pilipinas, dahil sa umano’y magandang takbo ng ekonomiya ng bansa.

Ayon kay Japanese Chamber of Commerce and Industry Chair Ken Kobayashi, maraming mamumuhunan sa Japan ang nagkaka-interest na maglagak ng malalaking pondo dito sa bansa.

Kabilang sa mga nakita nilang dahilan aniya, ay ang stable na na paglago ng ekonomiya, mataas na domestic demand, at maging ang malaking workforce population.



Ang Japanese Chamber of Commerce and Industry ang pinakamalaking business organization sa Japan na binubuo ng halos1.25 milyong kumpanya.

Ito ay kinabibilangan ng mga malalaking korporasyon at hanggang sa mga small at medium-sized companies sa Japan.

Malaking tulong ito sa karagdagan employment sa ating mga kababayan sakali ngang magsimula na ang exodus ng pagpasok ng mga Japanese firms sa ating bansa.

Karagdagang oportunidad sa ating milyun-milyong mga manggagawa.

Isa ang lahing Hapon sa mga nirerespetong lahi ng mga Pinoy pagdating sa pagiging generous at fair na amo.



Mabait at magalang ito sa kanilang mga tauhan o empleyado.

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com