Advertisers

Advertisers

Paniningil sa mga kaso ni ex-President Digong

0 8

Advertisers

WALA nang ‘immunity’ sa anumang kaso si dating Pangulo Rodrigo “Digong” Duterte.

Pero wala parin siyang preno kung magbanta sa mga pumupuna o bumabatikos sa maling hakbang o gawain ng miyembro ng kanyang pamilya na nasa politika.

Kaya nahaharap siya ngayon sa reklamong ‘Grave Threat’ sa ilalim ng Article 282 ng Revised Penal Code at paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012.



Oo! Sinampahan ni ACT Teachers Party-list Representative France Castro sa Quezon City Prosecutor’s Office si Digong ng matinding pagbabanta sa kanyang buhay sa programa ng huli sa Sonshine Media Network na pag-aari ng kanyang kaibigang wanted sa FBI na si Pastor Apollo Quiboloy noong Oktubre 10, kungsaan sinabi ni Digong na si Castro ang unang “target” ng intelligence fund ng kanyang anak, Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte-Carpio.

Kapag napatunayang ‘guilty’ si Digong makukulong siya ng hanaggang anim na buwan at multa depende kung magkano ang ipapataw ng korte.

Maitataas pa ng isang degree ang kaso laban kay Digong dahil covered din ito ng Cybercrime Prevention Act.

Sabi ng abogado ni Castro na si Tony La Vina, isang dean at law professor sa Ateneo School of Government, si Digong ay maari nang panagutin sa kanyang mga ginawa.

“Pwede na mag-file for crimes committed before his presidency, during his residency, and after his presidency,” sabi ng abogado. “We are hoping magbukas ito ng wave of accountability lawsuits.”



Si Digong ay may kinakaharap ding kaso sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng madugong kampanya laban sa iligal na droga ng kanyang administrasyon kungsaan umabot umano sa 30,000 ang nasawi, ayon sa datus ng human rights group. Sa tala ng PNP ay higit 5,000 lamang.

Hindi lang makapasok sa Pilipinas ang ICC ngayon dahil ayaw papasukin ng administrasyon ni “Bongbong” Marcos na kaalyado ni Duterte.

Pero dahil mukhang nagkakalamat na ang “unity” ng Duterte-Marcos dahil sa ambisyon ng pinsan ni PBBM na si House Speaker Martin Romualdez na kumasang pangulo sa 2028, baka biglang buksan ni PBBM ang pinto para sa ICC. Araguy!!!

***

Araw-araw ay may mga napapabalitang kandidatong kapitan ang tinambangan, pinaslang, kaugnay ng nalalapit na Barangay at Sangguniang kabataan Election sa Oktubre 30, Lunes.

Hindi dapat umaabot sa patayan ang kampanya sa BSKE.Unang una walang malaking pondo na pag-aagawan sa barangay, hindi katulad sa municipal/city, provincial. At magkakakilala at magkakamag-anak pa ang mga tumatakbo, hindi na dapat nagkakasakitan pa.

Napatay mo ang kalaban, makukulong ka naman habambuhay. ‘Di wala narin ang kandidatura mo! Esep-esep!!!