Advertisers

Advertisers

PASAHERO NG AIRASIA , DINALA SA SECURITY OFFICE DAHIL SA ‘BOMB JOKE’

0 36

Advertisers

NAIMBITAHAN sa himpilan ng pulisya ang isang pasahero ng AirAsia na patungong Tacloban matapos biruin ang isang airline personnel na pasasabugin ng ‘bomba’ ang kanilang eroplano nang hindi siya makasakay sa kanyang flight Z2 322 noong Miyerkule (Oktubre 25) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2.

Kinilala ng PNP-Aviation Security Unit (AVSEU) ang pasahero na si Lester Morales, isang late passenger na sinabihan ng airline personnel na i-rebook na lamang ang flight nito dahil sa atrasadong oras na pagdating sa airport.

Batay sa nakasulat na salaysay ng AirAsia ground staff na nakatalaga sa counter 22 bandang 3:30 AM, ang pasaherong si Morales ay lumapit sa counter 22 at tinanong kung anong option ang maaaring ibigay sa kanya ng ground staff dahil naiwan ito sa kanyang flight kung saan papunta na ang aircraft sa Tacloban. .



Pinayuhan ng ground staff ang pasahero na may iba pang paraan kundi ang i-rebook ang ticket nito dahil sa pagdating ng ‘late’ sa airport ngunit sinabihan siya ng huli na “ hirap talaga maging option no? Sarap pasabugin ang airline Ninyo.”

Pinagsabihan ng ground staff si Morales na bawal magbiro ng ‘ bomb joke’ subalit pinagalitan pa siya ng pasahero at huwag na umanong makipagsagutan sa kanya dahil mainit ang ulo nito dahilan upang umalis na lamang sa counter ang airline staff at ipaalam ang pangyayari sa AVSEC on duty.

Dinala si Morales sa PNP-AVSEU para sa record purposes na tinulungan lamang ng isa pang pulis. Nagpasya ang ground staff na huwag nang magsampa ng kaso laban kay Morales ngunit i-blacklist ng AirAsia ang pasaherong hindi na makakasakay ng AirAsia flight.

Sinabi ng AirAsia na hindi naman naantala ang kanilang flight dahil sa bomb joke. (JOJO SADIWA/ JERRY TAN)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">