Advertisers

Advertisers

KONTROBERSIYAL NA SK BET SA NOVA, QC, GRANDSTANDING SA PRESSCON?

0 1,726

Advertisers

Sa halip na naghain ng COUNTER AFFIDAVIT sa PROSECUTORS OFFICE ang mga SANGGUNIANG KABATAAN CANDIDATE na kabilang sa kinasuhan ng ACTS OF LASCIVIOUSNESS noong ginanap ang FREE EXCURSION sa mga kabataang botante ng BARANGAY SAN BARTOLOME, NOVALICHES, QUEZON CITY ay sa isang PRESS FORUM nag-grandstanding ang mga ito.

Ang mga dawit sa kasong isinampa sa SAN JOSE DEL MONTE CITY PROSECUTOR’S OFFICE na sina SK COUNCILOR CANDIDATE EUGENE FRANCE PICO at EZRAEL AGUIRRE ay mistulang grandstanding ang ginawa ng mga ito sa pagharap nila sa PRESS FORUM na itinatanggi ang paratang laban sa kanila na ipinakita pa ng mga ito ang ilang larawan sa pinagdausan ng YOUTH TEAM BUILDING.., subalit wala man lamang ipinakita ang mga ito ng kanilang COUNTER AFFIDAVIT kung sila nga ay nakapagsumite ng affidavit para sa denial sa iniakusa sa kanila ng complainant na si BRIAN DAVE DELA VICTORIA.

Ang kontrobersiya ay naganap sa LIBRENG EXCURSION noong September 16 sa PARADISE ADVENTURE CAMP, SAN JOSE DEL MONTE CITY, BULACAN.., na base sa pagsusuri ng piskalya o administering officer ay pasok lang sa kasong Act of Laciviousness ang inihaing reklamo noong Oktubre 2 .



Sa presscon, itinatanggi ng mga akusado na may naganap na ‘rape’.., na tila ginaya lang yata nila ang katagang ‘rape’ mula sa inihayag ng complainant sa naunang presscon na ginanap kamakailan sa QC..

Sa kawalan ng legal documents ay nagmistulang paglilitanya ang namutawi sa kanilang bibig at pagkuha ng simpatiya sa kalungkutan na naramdaman nila at ng kanilang mga pamilya dahil sa akusasyon .

Tuloy-tuloy ang kanilang mala-talumpating pagtatanggol sa sarili na wala raw naganap na ‘insidenteng rape’ sa pinagdausang ng excursion.

Isang ANTI-CORRIPTION OFFICIAL na nakapuwesto sa conference table ang nagpahayag ng kaniyang pakikisimpatiya sa mga akusado at naglitanya ito ng “hindi ako titigil hanggat hindi nakukuha ang hustisya ng mga bata”.

Sa pananaw ng ARYA.., mas mainam pa sanang inuna ng mga akusado ang pagsusumite ng kanilang counter-affidavit bago sila sumalang sa isang MEDIA FORUM upang may naipakikita silang opisyal na dokumento at nabigyan dapat ng kopya ang.mga nagsidalong MEDIA PERSONALITIES na magagamit sa kanilang mga naging pagbabalita .., sabagay, sigurado namang may mga adviser etong mga kabataang kandidato sa kung ano ang dapat nilang gawin para masalag ang iniakusa laban sa kanila dahil ilang araw na lang ay ELECTION DAY na.., GOOD LUCK PO SA LAHAT NG CANDIDATE NGAYONG BARANGAY ELECTION!.



***

PMVIC ILLEGAL AYON SA SENATE… PERO PINAG-OOPERATE NG DOTr!

Taong 2020 ay ideneklara ng SENADO na illegal at kailangang ipatigil ang operasyon ng PRIVATE MOTOR VEHICLE INSPECTION CENTERS (PMVIC).. subalit sinuwag ng DEPARTMENT OF TRANSPORTATION (DOTr) dahil patuloy hanggang sa ngayon ang operasyon ng PMVIC.

Bunsod nito, ang KALIGTASAN SA KALSADA (AKSK) ay naghain ng demanda laban sa DOTr hinggil sa ilegalidad ng PMVIC.., na ikinaresulta sa pagtigil ng operasyon sa maraming emission centers sa buong bansa.

Ipinunto ng AKSK sa kanilang paghahain ng demanda na ang DOTr at LAND TRANSPORTATION OFFICE (LTO) ay walang mandato para lumikha ng PMVIC.., na ang inspection of motor vehicles ay hindi maaaring itoka sa PMVIC; ang motor vehicle inspection at maintenance ay joint program ng DOTr DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY, (DTI) at ng DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES (DENR) at ito ay hindi solong mandato ng DOTr.

Ang pagkakalikha.ng PMVIC ay limitado para sa private motor vehicle inspection lamang na ito ay paglabag ng DOTr sa umiiral na batas dito sa ating bansa

Mga ka-ARYA.., sa pagpapairal ng PMVIC ay masyadong naapektuhan
ang public transport sector tulad na lamang sa renewal ng emission testing certificate sa DAVAO ORIENTAL ay hindi maaksiyunan ng DOTr dahil sa maraming pagsasara ng emission centers lalo na sa mga probinsiya na kailangang bumiyahe sa malayong lugar ang mga tsuper at operators para ipa-test ang kanilang mga sasakyan!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig