Advertisers

Advertisers

Napolis nagwagi ng ginto sa World Combat Games

0 3

Advertisers

,ILANG Linggo matapos isako ang bronze medal sa 19th Asian Games sa China, ay inangkin ni jiu jitsu fighter Kaila Napolis ng Pilipinas ang gold medal sa 2023 World Combat Games sa Riyadh,Saudi Arabia Huwebes, Oktobre 26.

Nangibabaw si Napolis sa 52-kilogram women’s ne-waza event Huwebes matapos ibalibag si Pannetier ng France, 2-0, sa final.

Bago ito, Dinispatsa ang Colombia Adriana Cruz 6-0 sa quarterfinals at Mongolia’s Mongolin Gaanbaatar via submission sa semifinals.



Ipinaskil ni Asian Games gold medalist Annie Ramirez sa kanyang Facebook na ang gold ni Napolis ay rekord- breaking moment sa kasaysayan ng Philippine jiu jitsu.

Ang kanyang jiu jitsu gold medal ay kauna-unahan ng Pilipinas sa World Combat Games.

Samantala,ilang oras bago ang kanyang panalo sa gold medal, Ang magulang ni Napolis ay nakatanggap ng governments recognation para sa kanyang Asian Games bronze medal.