Advertisers

Advertisers

NAT’L GOV’T, GRUPO NG MGA MAGSASAKA SANIB-PWERSA PARA SA MURANG BIGAS

0 4

Advertisers

SANIB-PWERSA ang Department of Agriculture (DA), mga kooperatiba at asosasyon ng mga magsasaka, at mga lokal na pamahalaan ng Cebu at Negros Occidental, upang makapagbenta sa merkado ng P20 hanggang P25 kada kilong bigas.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), lahat ay nagdodoble-kayod para sa mga pagsisikap ng pamahalaan na makapagbigay ng murang bigas sa mga mamimili na bahagi ng mga layunin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi naman ni DA Assistant Secretary Arnel De Mesa na ang kanilang departamento, pribadong sektor, at iba pang operating units sa Cebu at Negros, ay naglaan ng sapat na mapagkukunan upang matulungan ang mga mahihirap na mamamayan.



Nabatid na ang bigas ngayon ay ibinebenta na sa P25 bawat kilo sa “Bigasan ng Bayan” sa Negros Occidental kung saan magkatuwang dito ang LGU at Federation of Irrigators Association of Central Negros-Bago River Irrigation System (FIACN-BRIS).

Sa ilalim ng konseptong ito, naglalaan ng 10 porsyento ng kanilang produksyon ang mga miyembro ng FIACN-BRIS na nagtratrabaho sa pamahalaang panlalawigan upang ibenta sa mga pinakamahihirap na sektor.

Sa Cebu naman, ang Sugbo-Merkadong Barato na itinatag ng provincial government ay magsisimula na ring magbenta ng P20 bawat kilong NFA-rice at P40 kada kilo ng commercial rice.

Target ng pamahalaan na mas mapalawak pa ang proyektong ito upang mapakinabangan ng mas maraming komunidad. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">