Advertisers
ARESTADO ang isang kandidatong barangay kagawad sa isinagawang anti-illegal drug bust operation sa Purok Namnama, Barangay Magsaysay, Saguday, Quirino.
Kinilala ni Saguday Police Station (SPS) commander Major William Agpalza ang suspek sa alyas na “Francis”, 32 anyos, tumatakbong barangay kagawad, ng nasabing bayan.
Ayon kay Agpalza, nakatanggap sila ng intelligence report na ang suspek ay may ibebentang shabu sa isa sa kanyang mga parokyano.
At nagsagawa ng buy-bust operation ang SPS anti-drug unit, at naaresto si Francis habang inaabot ang shabu sa isang undercover police agent.