Advertisers

Advertisers

Misis ng BSKE candidate itinumba sa loob ng bahay

0 5

Advertisers

PINAGBABARIL ang asawa ng isang barangay chairman candidate sa Baco, Oriental Mindoro, Sabado ng umaga, Oktubre 28.

Kinilala ang nasawi na si Marina Bacay Garcia, 58 anyos.

Ayon sa report, nangyari ang insidente 2:10 ng madaling araw kungsaan wala nang buhay ang biktima nang matagpuan ng kanyang anak sa loob ng kanyang bahay.



Sa inisyal na imbestigasyon, narinig ang pagkahol ng mga aso sa tapat ng bahay ng biktima, na sinundan ng putok ng baril.

Naabutang duguan at wala nang buhay ang biktima sa kanyang kama.

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ang insidente.