Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
BIRONG taguri ni Piolo Pascual sa kanyang sarili ay “Most Promising Old Actor” dahil sa dami ng mga proyekto niya this year.
“I said yes to everything. I guess it was brought about by the pandemic, you know. We got so bored not doing anything,” sabi ni Piolo.
Patuloy niya,”And then, nung nagkaroon naman ng chance to really do taping, and there was a constant demand for new content, so andaming platform na nagbukas.
“So, andaming opportunities especially for us na from the showbiz industry. Nagsunud-sunod naman.
“So it actually started with Replacing Chef Chico. That was my first, we shot it first quarter of the year.”
Co-stars ni Piolo sina Alessandra de Rossi at Sam Milby sa Netflix original series na Replacing Chef Chico. Sa Nobyembre na ang streaming nito.
“And then I jumped right away to The Ride, the film that I did with Kyle Echarri. And then I went to Ibarra [musical].
“So when I said yes to Ibarra, it was I think six months before we actually started rehearsing. Same thing with Mallari (ang pelikula ni Piolo na kasali sa MMFF 2023).
Kasama rin si Piolo sa historical film na GomBurZa, na isa rin sa official entry sa MMFF 2023.
At may isa pa siyang pelikula na natapos na isa ring historical film titled Moro, kung saan co-stars niya sina Christopher de Leon, Baron Geisler, at Laurice Guillen.
“Sabi ko, ‘My gosh! Sarap naman to be part of you know these historical films!’
“It was such a privilege to be able to be part of something historical na at this point of my life and my career, you know, this is not your typical romcom that I’m accustomed to do, you know.
“These are milestone films. So, ang sarap ng pakiramdam na you get to be chosen to represent a certain character such as Ibarra, such as Mallari, such as Pedro Pelaez in GomBurZa, and also to be in a socio-political film na Moro.
“So, parang you wanna give voices to these characters. So you wanna own it. And that kind of provilege only happens once in a while. So you really embrace it.”
***
KIER LEGASPI PINASA-DIYOS ANG RELASYON SA ANAK NA SI DANI
KUNG hindi na ganoon ka-visible sa pelikula at telebisyon si Kier Legaspi ay dahil namimili na lang siya ng project ngayon. Aminado kasi siya na hindi na niya kaya ang matitinding puyatan sa set. At gusto na rin muna niyang mag-focus sa food business nilang Taste of Joy na 30 years na, at pag-aari ito ng mga magulang ng kanyang non-showbiz wife.
Sabi ni Kier,”Puro kasi sa South makikita ang Taste of Joy kaya plano naming maglagay sa Quezon City. Kasi ‘yung unang branch namin sa Taguig. Puwede kang mag-dine in at delivery, sobrang sarap.”
Samantala, nang matanong si Kier tungkol sa anak niya kay Marjorie Barretto na si Dani, sinabi niya na matagal na silang walang communicatio nito.
“I’m just here, if you need me. Ang relationship ko sa kanya, ipinasa-Diyos ko na lang,”sabi ni Kier.
Nagtataka lang si Kier kung bakit ayaw makipag-communicate sa kanya ni Dani to think na wala naman daw siyang atraso sa anak at kung mayroon man daw ay sabihin sa kanya o ipaalala sa kanya.
Nu’ng nagka-problema raw si Dani sa bahay nila, kay Kier ito tumakbo at nu’ng okay na, biglang naputol na ulit ang pag-uusap nila.
Sa pagkakaalam pa ni Kier ay wala siyang pagkukulang sa anak dahil noong bata pa ay okay sila at kumpleto siya sa videos, mga larawan ng masasaya nilang alaala at hindi siya nagkulang sa financial support sa panahong nag-aaral pa ang anak.
“Open ang line ko, I’m just here. Ito naman talaga ang obligasyon ng magulang na mahalin ang anak kahit anong mangyari. And take note, vice-versa kahit naging masama o mabuti ang magulang mo rerespetuhin mo ‘yan, mamahalin mo ‘yan, dahil kung wala ang magulang mo hindi kayo mabubuhay.”