Ellen payag mawala ang luho ‘wag lang ang yaya ng anak na si Elias; Sharon umiyak at nag-sorry kay KC
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
WALA pa namang linaw kung saang bansa pupunta o magbabakasyon ang mag-asawang Derek Ramsay at Ellen Adarna.
Sa latest post ng dating aktres ay may inamin ito.
Pag-amin na handa at kaya raw nitong mabuhay na walang luho wag lang mawala ang yaya ng anak na si Elias.
Dahil sa napagkakatiwalaan na si Yaya Jessa at gamay na nito ang pag-aalaga kay Elias kaya mawala na raw ang lahat ng kanyang luho basta nandiyan lang ito.
Pagpapatunay na talagang bilib sila sa yaya ni Elias ay kasama rin nila ito kung saang bansa sila magpunta.
Sa hirap nga raw humanap ng yaya ay kakaiba si Jessa pagbibida pa ni Ellen.
***
BATID na greatest dream ni KC Concepcion na mabuo silang family.
Naganap at nagkaroon ng katuparan ang mga pangarap na ‘yun ni KC nang mangyari ang Dear Heart concert.
Na-touch ang mga nanonood nang kantahin na ng mag-ina ang hit single ni Sharon Cuneta na Ikaw.
May mga napaluha sa audience dahil mismong si Sharon ay napaiyak at napayakap sa anak na si KC.
Emosyonal naman ang mga tagpo na ‘yun at bago pa man dumating ang duet ng mag ina.
Nagpakawala ng pahayag si Sharon, nag-sorry at humingi ng paumanhin sa panganay na anak na si KC at di nito naibigay ang buong pamilya na nais nito.
Well, well, well…’Yun na!