Advertisers

Advertisers

TIMELESS CONCERT NI NICK NANGIT, TAGUMPAY!

0 14

Advertisers

Ni BLESSIE K. CIRERA

SUCCESSFUL ang idinaos na free concert, a fusion of art and music na pinamagatang Timeless na pagbabalik ng international classical pianist na si Nick Nangit.
Ginanap ito Sabado ng hapon sa Manila Clock Tower Museum sa Manila City Hall.
Super napuno ang venue na dinaluhan ng iba’t ibang personalidad sa pangunguna ng ambassador ng Thailand.
Sinaksihan din ito ng ilang press people at Nicksters na mga tagasuporta ni Nick.
Muling ipinakita ni Nick ang husay niya sa pagpi-piano habang sinasaliwan ng Metro East Chamber Orchestra.
Nagsilbing front act si Ranco na inakampanyahan ng isang violinist.
Naging special guests/poem readers sina Harlene Bautista, Peter Serrano, Bea Robles, Ramona Marie Lazarraga na siya ring naging host ng konsiyerto.
Ilan lang sa mga piyesang tinugtog ni Nick ang No Other Love, Sana’y Wala Nang Wakas, Beauty and the Beast, Remember Me at iba pa.
Tumanggap din ng standing ovation si Nick sa ekselenteng performance niya.
Marami pang kasunod na concert si Nick sa 2024 na ang isa ay posibleng ganapin sa February. Abangan natin lahat yan.
Bravo and congrats, Nick Nangit!